"You'll realize it, once it's too late..."
Madison
After that encounter, napagpasyahan kong pumunta sa lugar kung saan overlooking ang Manila. Bumili din ako ng konting alak to accompany me.
Wala naman akong balak mag-lasing. Kailangan ko lang ng lugar na makakapag-isip ako.
Pagkarating ko ay tinungga ko agad ito at umupo sa may kalakihang bato.
Ni minsan hindi ko naisip na yung pinakatatakotan kong mangyari ay mismo ang kapatid ko ang gagawa.
She fuckin' know what I've been through!
I don't think there is a higher level of betrayal possible than this.
Inubos ko lang ang dalawang bottle at nilagay ito sa backseat. Nagdrive na ako pauwi.
But I found myself driving to her condo. I need to release this overflowing anger inside of me.
I want to give her the benefit of the doubt pero iba yung naiisip ko. Parang sasabog na yung puso ko. Naiisip ko palang kung paano nya hawakan si Beatrix kanina...
Napapikit ako habang nasa elevator ako.
Did you really expect her to wait for you, ha, Madison? Ang laki ng kasalanan mo sa kanya!
But I can't help it. For more than 7 years, magkalayo lang kami pero sya lang ang nasa puso ko. So tell me, is this wrong?
Naglakad na ako papunta sa dating unit namin. Malaki ang naging sentimental value ng unit na 'to para sakin.
Until now, ramdam ko pa din yung mainit na pinagsaluhan namin. Oh God, this is driving me insane.
Kumatok na ako bago ko pa maisip ang lahat ng nangyari samin. Matagal bago nya binuksan ang pinto.
"D-du... M!" Gulat na sabi nya sakin.
Hindi ko na sya hinintay pang papasukin ako. Kusa na akong pumasok at nilibot ang buong unit.
Some things never change...
"A-anong g-ginagawa m-mo dito?" Tumikhim sya. "Gabi na."
Tumawa ako. "Wala naman, Dan. Binibisita lang kita. May ikekwento ka ata eh."
Naglakad ako papunta sa kusina at kumuha ng beer sa ref. Nakasunod lang sya sakin. "Inom tayo?" Alok ko sabay tungga.
Kailangan ko ng malamig, nag-iinit ang ulo ko sa pagmumukha nya.
Tumanggi sya. "Gabi na dude. Bukas na tayo mag-usap."
She tried to get my beer pero iniwas ko ito. Since mas mataas ako sa kanya ng konti.
Tumawa ako. "Ano ka ba? Ngayon lang tayo magbabonding." Kumuha ako ng beer sa ref. "Catch!"
Tinapon ko sa mukha nya ang beer can. Sayang, nasalo nya!
Napapailing nalang ako habang umupo sa center island.
"Lasing ka na." Sabi nya.
Ngumisi naman ako. "Di pa naman. Kaya ko pang umubos ng mga tatlong beer bago ako makatulog."
Wala na syang nagawa at umupo sa tapat ko.
"I don't think this is a good idea."
I laughed sarcastically. "Bakit ba parang takot na takot ka sakin? May ginawa ka bang hindi ko alam?"
Nag-iwas sya ng tingin. Bang! Guilty! "Gusto ko sanang bukas na tayo mag-usap."
"Bakit? Yan bang sasabihin mo sakin, magbabago ba bukas? Hindi naman ah? Edi ngayon nalang tayo mag-usap." Mariin kong sabi.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight