Beatrix
Hapon na nang nagpasyahan kong pumunta ng secret garden. Mahigit two weeks na din akong hindi nakapunta dun.
Sobrang stressed ako these past few days at kailangan kong mag-unwind. Ayoko ng lumayo pa kaya dito nalang ako nagpunta.
At oo, nagbabasakali din ako na makita sya dun.
After what happened last night, I realized that there's no use of staying away from her.
Being friends with her is better than nothing.
Di ko alam kung may patutunguhan ba to. I don't even know if she wants to be friends with me.
Napangiti ako sa mga naiisip ko.
Ganito ba talaga ang feeling na mainlove?Inlove agad Beatrix?
Pagdating ko sa secret garden, nilibot ko ito para hanapin sya. She's still not here, but I guess I just need to wait for her. Kung hindi man sya dadating ngayon, may iba pa namang araw.
Umupo nalang ako kung saan kami unang kumain magkasama.
Nasa kalagitnaan ako ng pag dedaydream ng bilang kumulog ng malakas.
Syete, hindi ko napansin na masama na pala yung panahon.
It's only five minutes after three pero parang mag-gagabi na.
"Hala! Okay lang naman ang panahon kanina ah. Bakit biglang uulan?"
Lalabas na sana ako nang kumulog ulit at kasunod nito ay ang malakas na hangin at ulan.
Wala na akong nagawa kundi bumalik sa loob at maghintay na tumila yung ulan.
Ang problema ko lang, takot ako sa kulog.
~*~
Madison
Papunta na ako ng dining area nang napatigil ako dahil sa narinig kong nag-uusap. Nasa reception area sila.
"Mia ang lakas ng kulog sa labas. Takot pa naman yun sa kulog." Naiiyak na sabi nung isang babae.
If I'm not mistaken, she's the roommate of Beatrix.
"Huminahon ka nga Ems, hinahanap na nga sya ng mga guards."
May tumakbo papunta sa kanila at hingal na hingal. Tumayo naman silang dalawa.
"Fi, ano? Nakita na ba sya?" Hysterical nyang tanong sa dumating.
Umiling lang yung huli. Hindi ko na narinig yung sinabi nya dahil nagpatuloy na akong pumasok sa dining.
Napansin ko naman agad na wala sina Felicity at Caroline sa table ng officers.
"Gwyn, where's Feli and Caroline?" Tanong ko kay Gwyneth.
"Pres.. K-kasi may hinahanap sila."
Kumunot ang noo ko. "What's happening? Sinong hinahanap?"
"Pres, ano, m-may studyante k-kasing nawawala." Nag-aalangan na sagot nya.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Nawawala? And no one even bothered to tell me?"
Hindi ko maiwasang mainis. Paanong alam ng ibang officers tapos ako hindi? Bakit hindi nila ito sinabi agad sa'kin?
Tumungo sya at si Farrah na ang sumagot. "Pres, sabi ni VP wag ka na daw sabihan kasi kabilin-bilinan mo daw na wag kang didistorbohin."
"I can't believe this! May nawawalang studyante tapos di ko alam?! Ibang sitwasyon to kaya dapat alam ko to!" Umalis na ako at nagpunta ng reception area.
Lumapit ako sa tatlong babae na nag-uusap kanina. "Sino ang nawawala?" Tanong ko agad sa kanila.
Nagulat naman silang tatlo kaya di sila agad nakasagot.
"Tell me, sino ang nawawala at ilang oras na syang nawawala!?" Mukhang natauhan sila kaya sinagot nila ako agad.
"S-si B-bea" Nanginginig na sagot ng babaeng umiiyak kanina.
"Beatrix Villapando, Pres. Kanina pa syang two ng hapon umalis at di pa sya bumabalik."
"Did you try to contact her?" Madiin kong tanong.
Umiling naman sila. "She didn't bring her phone with her. Sabi nya di daw sya lalabas ng university at bago magdilim ay nandito na sya. Pero hanggang ngayon wala pa din sya. Di din nya dala ang phone nya ka—" Di ko na sila pinatapos at umalis na ako agad.
Damn it! Bakit hindi ko agad na-gets na si Beatrix pala yung pinag uusapan nila kanina?
"Pres! San ka pupunta!?" Narinig ko pang tinawag nila ako pero di ko na ito pinansin.
Tumakbo na ako palabas ng dorm at hinanap sya. Nagpunta ako sa likod ng dorm nagbabasakaling nandun sya pero wala. Tumakbo ako papunta sa college building namin. Iniisa-isa ko ang lahat ng rooms dun pero wala din sya.
Damn! Where the hell are you?!!
Napaupo ako sa bench sa labas ng building dahil nanginginig na ako pag-aalala. Sobrang basa na din ako pero wala na akong pakialam.
Napahilamos ako ng mukha dahil sa sobrang frustration.
Ano ba kasing naisip nya at umalis sya na hindi man lang dala yung phone nya?
Akala nya ba dahil nasa loob na sya ng university ay safe na agad dito?
I tried to calm down so I could think straight.
Inisip ko kung saan ko ba sya laging nakikita. Sa school, sa dorm, sa—
Oh God! Bakit ko di ko agad naisip 'to kanina pa?
Napatakbo ako agad sa naisip kong ang lugar kung saan pwede syang magpunta. Pagdating ko dun ay sobrang dilim kaya kinuha ko ang flashlight sa ilalim ng isang bench.
Ako din naglagay duon kasi madalas akong tumambay dito hanggang gabi.
"VILLAPANDO!??" Sigaw ko pero walang sumagot. Nilibot ko ang garden pero hindi ko sya makita.
"VILLAPANDO, ARE YOU HERE???" Wala pa ding sumasagot.
Halos malibot ko na ito pero di ko pa din sya nakikita. Napaupo muna ako malapit sa malaking puno kasi sobrang hingal na hingal na ako.
"BEATRIX! ASAN KA BA!!"
"Hmmmm?" May narinig akong umungol. Nilibot ko ang paningin ko pero di ko pa din sya nakita.
Nagulat ako ng biglang kumulog ng sobrang lakas. Halos matumba ako dahil sa gulat pero napatayo ako ng may sumigaw.
"WAAAAAAHHHH!!! AYOKO NAAAA!"
It's her! Thank God it's her. Tumakbo ako papunta dun at nakita ko sya sa likod ng malaking puno, nakahalukipkip at umiiyak.
Para syang musmos na nagtatago duon. I guess she was too scared.
"Villapando!"
Nag-angat sya ng ulo at bigla nya akong niyakap nang makita nya ako. Para naman akong nakahinga ng maayos dahil safe lang sya.
She was scared, but she was safe. Thank God.
Hindi ko na din napigilan na yakapin sya. "Tahan na, andito na ako."
Umiling sya. "Sobrang natatakot ako. Akala ko.. akala ko.." Sumisinghot-singhot pa sya.
"Shhhh. You're safe now. I'm here." I said to calm her down. Nanginginig na din kasi talaga sya.
I slowly caressed her hair, the fragrance of her shampoo linger in my hand.
Kumalas sya ng yakap sakin at tiningnan ako. "I—i thought di ka na darating. Kanina pa kita hinihintay." Umiiyak pa din sya.
Di ko alam kung anong ibig nyang sabihin. Wala naman akong sinabi na hintayin nya ako o magpunta sya dito.
"I waited— I waited for you and you came." Her voice was so soft, para syang nawawalan ng lakas.
I didn't expect to hear what she said next.
"I like you, Madrigal. I—i like you so much it hurts."
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight