51. I'm Back

16.2K 443 120
                                    

"Do you ever look at someone and just pray to God you never have to lose them?"

Madison

"Anong ginagawa mo dito?!" I can't help but feel disgusted with just his mere presence.

"Madison! Don't forget, he's still your father!"

Napatingin ako sa bagong asawa ng aking ama. Ang kapal naman ng mga mukhang nila para tumungtong sa harap ng aking ina.

Pinigilan ko ang sarili ko at baka makaladkad ko pa sila palabas ng hospital.

"Hindi nyo sya makakausap. Now please leave us alone." Mariin kong sabi at iniwas ang tingin ko sa kanila.

Nakikita ko palang pagmumukha nila ay nagngingit na ako sa galit.

Bigla kong naramdaman na may kamay sa braso ko. "Madison, please give your father a chance. Mag-usap kayo." Sabi nya at marahang ngumiti sakin sabay labas ng kwarto.

Mula noon, mabait na sya sakin kahit sa ilang beses syang nag-reach out sakin ay ilang beses ko din syang pinagtulakan. Kung siguro sa ibang sitwasyon ay magugustuhan ko sya bilang tao, pero dahil sa ginawa nila sa ina ko, hinding hindi ko sila mapapatawad.

"Anak."

I laughed sarcastically. Tinitigan ko sya sa mata. "Anak? Tinawag mo akong anak? Huh! Nagpapatawa ka ba?"

Nakita kong parang nasaktan sya pero wala akong pakialam. Wala syang alam sa paghihirap na naranasan ko matapos nya kaming traydorin ni mommy.

Lumapit sya sakin na parang nagmamakaawa. "Please, just hear me out, anak."

Naikuyom ko ang kamay ko. "Para san pa? Nakaya namin na wala ka, makakayanan pa naming wala ka!"

Bigla nya akong hinawakan sa braso at hinila palabas. Nagpupumiglas ako pero parang nawalan na din ako ng lakas. Pagod na pagod na ako at wala pa akong tulog.

"Pwede mo na akong sigawan dito. Pero pagkatapos ay hahayaan mo akong magpaliwanag." Sabi nya ng makalabas kami sa hospital.

I can't believe this man! Sino ba sya para kaladkarin ako dito?

"Tapos na tayong mag-usap! Ginamit mo pa talaga si grampy para lang sa pansarili mong kagustuhang saktan kami!"

Alam kong nagtitimpi nalang sya sakin. "Nagkakamali ka. Nandun ako kasi pinakiusapan ako ng lolo mo na kausapin ka."

Natatawa na napapailing ako sa kanya. "And you expect me to believe that?"

Nagpapatawa ba sya?

"I don't expect you to do anything for me. But for your grampy at alam mo kung anong hinihiling nya sayo."

Natatawa nalang talaga ako sa kanya. "Anong karapatan mo para kunin ang nag-iisang taong nagpapasaya sakin?"

Hah! Gusto nilang iwan ko si Beatrix? Ni hindi ko nga alam kung bakit ko kailangang gawin yun!

Nagpag usapan na namin to ni grampy noon pa. At alam kong maiintindihan din nya ako.

Hindi ko lang inaasahang gagamitin ng ama ko iyon para saktan pa ako. Wala na ba talaga syang ibang gustong gawin kundi saktan ako, kami ni mommy?!

"Madison, how many times do I have to tell you na ikaw lang yung iniisip ko? Yung kapakanan nyo ng mommy mo? Mahal ko kayo."

"Mahal? Don't you think you're too late?" Natahimik sya sa sinabi ko.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon