Beatrix
I've been receiving flowers lately. Wala din namang nakalagay na pangalan kung kanino ito galing.
Kahit maganda yung progress ng relationship namin ni Madison, ayoko namang mag-assume na sa kanya 'to galing.
I also didn't ask her. Ayoko namang pangunahan sya.
Today was different, though. Usually kasi may kumakatok lang sa room namin na Emma at binibigay yung flowers, pero ngayon nasa receiving area lang ang magbibigay sakin nito.
This time it wasn't a boquet, but one stem of sunflower.
"Miss Villapando?" Tawag sakin nung isang petite na babae at binigay yung flower sa'kin. Tinanggap ko naman ito at nagpasalamat sa kanya.
"Infairness sa admirer mo Trix, very consistent ah." Kinikilig na reaction ni Sophia.
"Wait, kanino galing?" Tanong ko dun sa babae. Nagbabasakali na kilala nya.
Tumingin muna ang sya sa likod ko bago sumagot. "Hindi ko alam eh. Sige, mauna na ako." Nagmamadaling tumakbo ang babae paalis.
Weird..
"Haaaay mapapa-sana all ka nalang talaga." Kilig na kilig na sabi ni Sophia.
"Tara na? Baka ma-late tayo." Sabi ko nalang at nilagay sa loob ng bag ang flower pero nakalabas lang yung petals.
Tumingin ako sa likod at nakatingin lang si Emma sa sunflower.
"Let's go, Ems?" Tanong ko sa roommate ko.
Tumango lang ito at nauna nang naglakad sa'min.
"Anong problema nun?" Tanong ni Fi.
Nagkibit-balikat naman ako kasi bigla ngang nag-iba yung mood nya.
"Tara sabayan na natin. Baka may topak na naman." Sabi ni Mia.
Tumabi ako agad kay Emma sa paglalakad habang yung dalawa ay nasa unahan na at masayang nagkwekwentuhan.
Napatingin sya sa flower na nasa bag ko tas nag-iwas ng tingin.
"Ems?" Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"You seemed distant these past few days. May problema ka ba?"
Emma is more than a bestfriend to me, para ko na syang sister at nag-aaalala ako sa kanya.
Ngumiti naman ito bigla at yumakap sa braso ko. "Nothing. Tara na't malelate ka pa."
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Nakakalungkot lang kasi parang may tinatago sya.
But who am I to judge her, when I, myself, have my own secrets.
Hinawakan nya bigla ang kamay ko kaya napatingin naman ako sa kanya. "Don't worry about me. Madami lang akong iniisip these past few days, but I'm fine."
"Hoy! Kayong dalawa dyan! Pwede bang wag kayong mag-moment ngayon kasi malelate na tayo!" Sigaw ni Sophia mula sa unahan.a
Nagkatinginan muna kami ni Emma bago natawa.
"Inggit ka lang eh! Halika nga, magmoment din tayo." Natatawang sabi ni Emma.
"Ewwww!" Sabi ni Sophia sabay irap.
Natatawa nalang kaming dalawa ni Emma. Magkahawak-kamay lang kami habang naglalakad. Napansin ko namang hinigpitan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Tumingin naman sya sakin sabay ngiti kaya ngumiti din ako sa kanya. Namiss ko yung pagiging sweet ni Emma sa'kin.
"May gagawin ka ba sa Friday night?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Roman d'amour"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight