26. Day 1

25K 515 59
                                    

Madison

"Wake up, babe. May pupuntahan pa tayo."

"Mamaya na bayawak, gusto kong matulog." Reklamo nya.

"Sleep is for the weak babe. Sige na please? I need to show you something. You'll love it, I swear."

Binuksan naman nya ang right eye nya at tiningnan ako. Ngumiti ako sa kanya at tinaas-taas ang kamay ko na nagsasabing tumayo na sya.

"Sulitin natin ang first day natin, Beatrix. Please?" Nagpuppy eyes ako sa kanya at mukhang effective naman kasi napangiti sya.

Umupo na sya at kinusut-kusot nag mata nya gamit ang back hand nya. "Wag kang magpacute bayawak. Hindi ka cute." Natatawang sabi nya.

Nagpout naman ako. "Sus wag kang magpout, di ka naman talaga cute kasi maganda ka." Dugtong nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Ang cute-cute nya talaga kapag may banat syang ganyan.

Sabay na kaming bumba at naghikab ulit sya bago humiga sa sofa.

"Babe naman eh!" Reklamo ko.

"Saan ba kasi tayo at para kang bata dyan na nagtatantrums?" Umupo na sya at nakataas yung dalawang paa.

"Aish! Sige na please?"

"Sabihin mo muna kung saan tayo." Madiin nyang pagkakasabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko kasi napaka under ko... Understanding!

Wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya. "Maliligo tayo sa falls. May malapit na falls kasi dito eh."

Para naman syang nabuhayan at tumayo bigla. "Maliligo tayo sa falls?"

Tumango ako sa kanya pero nawala naman yung mga ngiti nya. "Pero wala naman tayong dala na mga damit eh."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya. "Don't worry. May dala ako." Ngiting sabi ko.

Kumunot naman ang noo nya kaya hinilot ko ito. "Babe ko, wag ng kumunot nyang noo mo. You think hindi ko naisip na yan? Bumili na ako ng new clothes natin. Ayun oh." Turo ko sa kanya sa bag na nasa tabi ng sofa.

Tumingin naman sya dito at unti-unting sumilay ang kanyang ngiti sa labi. "Prepared ka ata ah?"

"Of course! So tara?" Tumango sya at nagbihis na kami ng pampaligo. Nauna muna sya bago ako. Nagdala din ako ng food, water, extra clothes at nilagay sa bag.

And we're good to go. Hawak-kamay na naman kaming naglakad papunta sa falls.

"Hmm, saan nga pala tayo bayawak? Tas bakit alam na alam mo ang lugar na'to?" Tanong nya out of nowhere.

Napatingin naman ako sa kanya. "We're at my grandparents place."

Tumango naman sya at di na nagtanong. Namiss ko ang lugar na'to. Ang tagal ko na ding hindi bumalik dito. I used to visit her every once in a while when I was younger.

"Oh my god!!!"

Natigilan ako ng biglang sumigaw si Beatrix.

Napangiti naman ako ng marealize kung asan na kami. Bakas sa mukha nya yung paghanga sa nakikita nyang magandang tanawin.

"Madison, this place is breathtaking!" She said.

"Couldn't agree more." I replied.

" I replied

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon