Beatrix
"How is she?"
Naalimpungatan ako ng may narinig akong mga pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa'kin.
"She's still sleeping." Sagot din nang kausap nya. I want to open my eyes, pero parang may kung anong mabigat na bagay na syang dahilan upang hindi ko ito maidilat.
"Ems, dalhin na kaya natin sya sa clinic?" Naramdaman kong may dumampi sa leeg ko.
"Humupa na din naman ang lagnat nya. Kapag bumalik yung lagnat, dadalhin na natin sya sa clinic." Boses ni Emma iyon.
I wanted to open my eyes and tell them not to worry, but I couldn't. I didn't hear what they said next because I fell asleep again.
NAGISING ako dahil sa gutom. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata and I did it.
My head and body hurts. Every move I make, I feel pain.
Hanggang sa biglang bumukas yung pintuan ng cr.
"Trixie!" Dali-daling lumapit sakin si Emma na bakas ang matinding pag-aaalala.
"H-hi."
Nakaramdam naman ako ng hiya dahil napag-alala ko sya.
"How are you? Anong masakit sayo?" Nag-aaalalang tanong nya.
"I-I'm fine." My voice is so hoarse I sound like a rat. "Don't worry, I'll be fine."
Parang hindi naman naniniwala sa'kin si Emma pero hindi na sya nagsalita. Tinulungan nya na lang ako na makaupo ng maayos.
"Wag mo masyadong pilitin ang sarili mo. Are you hungry?"
Bigla namang kumalam ang tiyan ko na ikinangiti nya. "Gutom ka na nga."
Tumango lang ako. Nakakahiya.
"Just stay here, kukuha lang ako ng food." Tumayo na sya at hinalikan ang noo ko bago sya umalis.
Napangiti ako dahil napaka swerte ko na sya ang naging roommate ko. She's the sweetest and most caring person I know.
Ilang minuto lang siguro ang nakalipas ay dumating na sya na may dalang tray na puno ng pagkain at prutas.
Napakunot naman ang noo ko.
"Ang dami naman." Hindi ko naman yan mauubos dahil wala naman akong gana kumain. Gutom lang ako, but hindi ako patay-gutom.
"Of course, kailangan mong kumain ng marami at masustansya para makabawi na yung katawan mo."
Di na ako nag reklamo pa at akmang kukunin ko na sana ang tray pero iniwas nya ito sakin.
"Let me feed you." Kumuha sya ng pagkain at nilapit nya nito sa bibig ko.
"Ha? Ako na Ems, kaya ko naman eh." Maktol ko.
"No. Let me. Wala ka pang lakas eh."
At nilapit nya ulit sa bibig ko ang pagkain.Napailing nalang ako. Alam kong hindi din ako mananalo kay Emma kaya sinubo ko nalang ito.
Nakakahiya man nung una pero parang wala lang naman sa kanya yung ginagawa nya, kaya hinayaan ko nalang sya.
"There! Aakalain mo bang may sakit ka eh ang takaw takaw mo pa ding kumain." Natatawang sabi nya sakin habang nililigpit yung pinagkainan ko.
"Eh ayaw mo akong tigilan sa kakasubo eh." Reklamo ko naman dito. "Teka, ako na magliligpit."
"Shhh! Wag kang makulit. Here, drink this." Sabi nya habang inaabot yung medicine at tubig.
Napailing nalang ako at kinuha iyon sabay inom.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight