4. Secret Garden

35.9K 777 15
                                    

Beatrix

I woke up shivering from the cold. Teka, bakit ang lamig?

Sakto pagmulat ng mata ko ay mukha agad ni Emma ang bumungad sa'kin.

"Good morning.." nakangiti nyang bati.

Lumayo ako ng konti dahil ang lapit lapit talaga ng mukha nya.

"Morning Ems." Hinanap ko agad yung comforter ko dahil ang lamig talaga, nasa paanan ko na pala.

Umupo ako at binalot ito mula sa ulo ko hanggang sa buong katawan ko. Yung mukha ko lang ang nakalabas.

"You're really cute, Trixie. Come on, mag breakfast na tayo sa baba." Aya nito sa'kin at umupo sa bean bag chair.

"Bakit naman kasi ang lamig? Ang lakas mo mag aircon."

"Ang init kaya."

I rolled my eyes at her. Inayos ko muna yung bed ko bago ako bumaba. I just did my morning routine. Sakto gutom na din ako. Pagkatapos ko ay inaya ko na ito.

"Tara?"

Sumulyap ito sa'kin at napangiti. Infairness naman talaga sa roomie ko na 'to, maganda din talaga. We never talk about relationships, but I think Emma is single.

Never naman din sya nagkwento about guys, hindi tulad ni Mia lalo na si Sophia.

"You looked lovely, though." Narinig kong sabi ni Emma habang pababa kami.

"Eh?"

Yun pala yung napansin ko din sa kanya. I always get compliments from her. I don't know, may mga girl friends naman din ako nung high school but hindi sila ganito ka expressive sa'kin.

Emma is really a sweet person. And I'm glad that she's my roommate, and now I finally have someone I can call my bestfriend.

Pagkapasok namin sa dining area ay pansin ko agad yung mga tingin sa'min.

Bumulong ako kay Emma. "Bakit sila nakatingin na naman satin?"

May nangyari ba na hindi ko alam? May dumi ba ako sa mukha?

She giggled at bumulong din, "Eh kasi ang ganda mo pa din kahit bagong gising."

Napapailing nalang ako. "Dami mong alam."

Ngumisi lang naman ito at hinila ako papunta sa food area. Binitawan nya lang ako nang parehas na kaming may dalang tray.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay sakto namang nagtama ang tingin namin ni Madrigal.

Hindi ko sure kung kanina pa sya nakatingin sa'min pero kasi nung nahuli ko syang nakatingin, hindi pa din nya binabawi yung tingin nya sa'kin.

She smirked.

Why did she smirk? Why why why?

"Trixie, are you okay? Namumula ka."

Bumaling ang tingin ko kay Emma na nasa harap ko. Wait, namumula daw ako. Bakit naman ako mamumula?

Diba sabi ko hindi ako yung tipong namumula nalang ng bigla?

Urgh!

Iniwasan ko ng tumingin ulit sa pwesto nila Madrigal at nakipagkwentuhan nalang sa mga kaibigan ko.

NASA kwarto na kami ni Emma at kasama namin ang dalawa naming kaibigan.

"So, what's our agenda for today?" Tanong ni Sophia. Nasa kama ko sya at nasa kama ni Emma si Mia. Habang kami ni Emma ay nasa bean bag.

"Hmm? Ikaw Trixie? Anong gusto mong gawin?" Baling ni Emma sakin.

Actually, wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi pumunta sa secret garden. I didn't get the chance to enjoy the place dahil sa isang tao, and ngayon gusto kong bumalik dun.

"Hmm ewan." Nagkibit-balikat lang ako.

"Ehhh Trix! Mall nalang tayo! Tapos watch ng movie." Anyaya sakin ni Mia.

"Oo nga! Tara Trixie."

"Kayo nalang muna girls. Pahinga muna ako today." Umakyat na ako papunta sa bed ko at humiga kahit nandun si Sophia.

"Ang KJ mo naman Trix! Tara na. Please?" Yumakap sakin si Sophia at nagmamakaawa.

"Uy, hands off, Fi!" Kinuha ni Emma ang kamay ni Sophia.

"Hala ang oa mo talaga Ems kahit kailan!"

Bumaba naman ang huli at humiga katabi si Mia.

"Kung makayakap ka kasi." Maktol pa din nung isa.

Napapailing nalang ako sa magkakaibigan na'to, laging nagbabangayan eh.

"Trixie, ayaw mo talaga sumama samin?" Tanong ulit ni Fi.

"I'm sorry girls, gusto ko lang mag-rest ngayon."

Saktong lumabas naman si Emma galing sa cr. "Sige alis na muna kami Trixie. Para makatulog ka ng maayos dito." Tumingin sya sa dalawa na nasa kama nya, "let's go?"

Tumango ang dalawa at tumayo. "Gotta go, Trix. Sleepwell." Bumeso si Mia sakin.

"Bye Trix! You want pasalubong?" Tanong ni Sophia.

Bago ako makapagsalita, sumagot na si Emma. "Ako ng bahala dun. Tara na!" Yumakap lang si Emma sakin at umalis na sila.

PAPUNTA na ako sa secret garden. Naghintay muna ako ng 30 minutes para masigurong nakaalis na ang tatlo. I wore my favorite white chucks and went ahead. Nagdala na din ako ng sandwich at tubig na nasa packbag ko kasi balak kong mag stay muna dun hanggang after lunch.

Pagkarating ko sa secret garden ay hindi ko pa din maiwasang mapahanga dito. This is like a paradise. Parang nasa ibang mundo ako kapag andito ako.

Nilagay ko muna ang bag ko sa bench at naglibot.

I wonder kung sino yung nag-aalaga ng mga halaman dito. Makapag volunteer nga.

Napangiti ako nang nakita kong may malaking puno na nasa dulo ng greenhouse. And wow may mga maliliit na butterflies na nakapalibot doon.

"Mas maganda ata na dito ako mag stay. Siguro naman walang makakakita sakin dito." Andaming white roses na nakapalibot din sa puno.

Bumalik ako sa kung nasaan ang mga gamit ko at naglakad pabalik sa malaking puno.

Buti nalang may dala akong pwedeng ilagay sa grass. Inayos ko muna lahat bago ako humiga.

Ahh, this is life.

Nakakatuwa naman tong lugar na'to. Hindi ko na kailangang lumabas pa ng university para mag relax.

Busy lang ako sa kakaappreciate ng paligid hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon