Madison
Tinapon-tapon ko sa ere ang car key habang naglalakad palabas ng guest room. I feel a lot better today.
Unti-unti ko ng nagagawa lahat ng dapat kong gawin. At excited na din akong makita si Beatrix.
"Saya natin ah? Saan ang lakad?" Nagtataka pero nakangiting tanong ni Dan.
Ngumisi lang ako sa kanya bago binuksan ang pinto. "May sisilipin lang." Sabi ko sabay sirado ng pinto.
Naglakad na ako papunta sa elevator. Yep, sisilipin ko lang muna si Beatrix. Gusto ko lang ma-check kung anong ginagawa nya ngayon.
Dadaan lang talaga ako ng school kasi on the way naman yun sa pupuntahan ko.
Nagmadali akong nagdrive. I can't contain my excitement. Miss na miss ko na talaga ang babe ko.
For these past few months that we've been together, parang hindi ko na kayang hindi sya makita. Hindi nya alam na palagi ko lang syang pinagmamasdan lalong lalo na kapag nakakaramdam ako ng panghihina ng loob. Masilayan ko lang sya sa malayo, sapat na.
You might be asking why won't I tell her about my problems. Isa lang ang rason ko, ayokong isali sya sa mga problema ko dahil ayokong maging distraction sa pag-aaral nya.
I immediately parked my car when arrived at school. Since I know her schedules, I knew where to find her.
Nagpunta ako ng canteen at nag-order ng food. Pumwesto ako na may kalayuan kung saan sila madalas kumakain ni Luis.
Mukha na tuloy akong dakilang stalker ni Beatrix. Nagtatago para makita ko ang girlfriend ko. Napapailing nalang ako sa mga pinaggagawa ko.
Ilang sandali lang ay nakita ko na syang naglalakad papasok. Napangiti naman ako ng makita na tumatawa na sya pero agad din iyon nawala ng makita kung sino ang nagpapatawa sa kanya.
Caroline.
Lalong nagngitngit ang pakiradam ko ng makitang napaka-touchy nya sa babe ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at parang may sariling buhay naman ang mga paa ko na lumapit sa kanila.
I'm possessive. Ang akin, ay akin. At wala na sino man ang may karapatang dumapo kahit na dulo lang ng kuko sa pag-aari ko.
Nakaharap sakin si Beatrix kaya alam kong makikita nya ako agad at hindi nga ako nagkakamali. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako.
"M-Madison?" Malayo palang ako ay alam ko na kung ano yung binibigkas nya.
Lumapit ako agad kay Beatrix at hinalikan sya ng mabilis sa labi habang nakatingin ng masama kay Car na nasa tabi ng girlfriend ko. Nakipagtitigan naman sya sakin.
"Car, what are you doing here? Last time I checked, you're not from our department."
She smirked. "I don't see anything wrong if I want to eat my lunch here. Especially with Bea."
I suddenly have this urge to punch her. Talagang hindi pa din pala sya tumitigil. Kaso naramdaman ko naman ang pagpisil ni Beatrix sa kamay ko.
Napapikit ako at nagbilang hanggang sampu para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ay hinila ko si Beatrix palabas ng canteen.
Nakita kong tumayo si Car pero wala na akong pakialam. Subukan nya lang pigilan kami at makakatikim talaga sya.
Tahimik lang si Beatrix habang hila-hila ko sya. Talaga namang naging trabaho ko na ata ang hilahin ang magandang dilag na ito.
But I'm still mad at her. Nagpahawak sya sa iba.
Pagkarating namin sa parking lot ay pinasakay ko sya agad sa kotse ko bago pumunta sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Roman d'amour"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight