Madison
Pauwi ako ngayon sa condo. Dan called me earlier and told me that she's sick.
Tinatablan din pala ng sakit ang mokong na yun. Sinabihan kong magpaalaga sya sa mga babae nya, ayaw naman.
Malamang, sino ba kasi ang hindi magkakasakit sa lifestyle nya. Halos gabi-gabi wala ng ibang inatupag kundi magpakasaya sa bar at magpakasarap sa mga babae nya.
Tinawagan ko nalang kanina si Beatrix para magpaalam sa kanya.
Pagkarating ko sa condo ay nakita ko syang nakahiga sa sofa. Nakapajamas at sweater. Naka-socks pa. Hindi man lang nya napansin na dumating ako.
Napapailing nalang ako. "Yan na nga ba sinasabi ko sa'yo Dan eh."
Binuksan nya ang mata nya pero pinikit din agad ito. "Du-dude.." Marahang tawag nya sakin.
Lumapit ako dito at dinampi ang likod ng palad ko sa leeg at noo nya. Mainit nga sya.
"Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko. Umiling sya. "Kumain ka na ba?" Umiling ulit ito.
I sighed. Pumunta na ako sa kusina at tiningnan kung anong pwede kong maluluto. Unfortunately, wala.
Great! Just great!
"Dan, bibili lang ako ng makakain mo sa baba. Sa ngayon, magdusa ka muna. Ginusto mo yan."
"La-langya k-ka talaga du-dude." Mahinang sabi nya. Natawa naman ako kasi para na syang naghihingalo.
Bumaba na ako agad at pumunta sa 7/11. Naglakad nalang ako since malapit lang naman.
Nasa counter ako ng may tumapik sa likod ko. "M?"
Paglingon ko ay niyakap nya ako agad. "Oh my God, M! Ikaw nga!"
"Nick!" Nakangiti kong tawag nang mapagtanto kung sino ito.
"Wow pare, it's been a while!" Hinila nya ako sa tabi at niyakap ulit ako.
"Nicky tama na. Nababading ka na sakin!" Natatawang asar ko sa kanya.
Nicky was one of my best buddies before. Actually, apat kaming magkabarkada noon. At isa sa apat na dun ay si Dan.
"Gago! Grabe M! Namiss kita ah!" Excited na sabi nya. Inakbayan nya ako.
"Sus. 'To naman parang ilang taon na tayo hindi nagkita."
"Oh yes! 2 years na kaya! Simula nung—" Napansin kong natigilan sya kaya iniba ko nalang ang usapan.
"Kumusta? Ang barkada? Ikaw?" Inaya ko sya na umupo muna.
"Ako? Eto gwapo pa din! Ganun din ang iba. Chic magnet ganun. Ikaw? Musta ka? Sama ka naman samin minsan."
Natawa ako sa sinabi nya. Isa pa to. Hindi pa din nagbabago.
"Grabe pre! Akala ko patay ka na. Hindi ka na nagpaparamdam eh. Balita ko may chicks ka na." Dugtong nya.
Napangisi ako. "Kailan ba ako walang chicks, Nick?" Biro ko sa kanya.
"Ayun oh. Nagbalik loob ka na pala. Hindi ka na loyal katulad ko." Tawang tawa naman ang kumag.
"Gago! Ikaw pa loyal satin ngayon ha" Binatukan ko sya.
"Anong ginagawa mo pala dito?" Segway nya.
Tinaas ko ang mga pinamili ko. "Bumili?"
Binatukan naman nya ako. "Malamang! Pero ang tagal mo ng hindi napapapunta dito eh."
Isa ito sa mga tambayan namin noon. Minsan kapag trip lang namin magchill, dito yung meet up place namin.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight