Beatrix
I don't know if I'm doing the right thing but right now, isa lang ang gusto kong mangyari.
Ang makalimot.
Huminga muna ako ng malalim bago tinaas ang kamay ko. Wala na tong urongan.
I knocked twice. Hinintay kong may sumagot kaso nagdaan ang ilang segundo, walang nagbukas ng pinto.
I was about to knock again nang biglang bumukas and pinto.
Bakas sa mukha nya yung gulat nang makita ako. "B-bea?"
"Pwede ba kitang makausap?"
Ngumiti sya ng pilit sakin bago binuksan ng malaki yung pinto.
Napansin ko kaagad na isa lang yung bed dito. Mag-isa lang pala sya sa kwarto nya.
"Anong pag-uusapan natin?" Nasa likod ko sya kaya humarap ako sa kanya.
"Una sa lahat, gusto kong itanong kung anong pangalan mo?" Derecho kong tanong. Until now hindi ko pa din kasi alam yung pangalan nya.
She smirked. "Right. Ashley, Ash for short."
Tumango ako. "Pwede mo ba akong samahan?" Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.
Kumunot ang noo nya sa tanong ko. "Saan?"
Tumungo ako at di ko maiwasang makagat ang labi ko. Tama bang sa kanya ako lumapit?
But then I have no one. Sya lang ang nakakaalam sa nangyari. Ayokong malaman nina Emma yung pinagdadaanan ko.
Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin lang din ito sakin na parang nababagot.
"G-gusto kong makalimot."
Unti-unting sumilay ang ngiti nya sa labi. "Alright. I know a place."
Pinaupo nya muna ako sa single sofa nya habang nagbibihis sya sa cr. Pero lumabas din agad sya at kumuha ng ibang damit.
Pagkatapos ay lumapit sya sakin. "Here, get dressed."
Kumunot naman ang noo ko. "Okay na ako sa suot ko."
Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka jeans, simpleng blouse at sneakers kasi ako. Okay lang naman to ah?
"Hindi ka makakapasok doon kapag yan ang suot mo."
Ha? Ano bang pupuntahan namin?
Kinuha nya ang kamay ko at binigay sakin ang damit. "Sige na, sa cr ka na mag-bihis. Dito nalang ako sa labas." Sabi nya at hinila ako papunta sa cr.
Wala na akong nagawa. Nagpatianod nalang ako. Tiningnan ko ang damit at halos mapangiwi ako.
"Damit pa ba to? Parang nakulangan sa tela eh."
Lumabas ako ng cr. Nakabihis na pala sya. Ang sexy nya sa halter dress na suot nya.
"Ash, wala na bang iba? Ang sexy naman nito. Di ko kaya suotin to."
Tinaasan namn nya ako ng kilay. "Demanding much?" Reklamo nya pero kinuha naman nya ang damit at naghalungkat ng iba.
"Oh." Sabay abot sakin sa damit. "Wag ka ng choosy, memake-upan pa kita."
"Ha? Wag na."
Bakit parang ang dami namang gagawin? Eh gusto ko lang naman makalimot.
Tinaasan nya ulit ako ng kilay bago pinapasok sa cr. Hay! Ngayon nagsisi na talaga ako na sya yung nilapitan ko.
Pagtingin ko sa damit na binigay nya, mukhang okay na. Sexy pa din pero kaya ko ng suotin to.
Paglabas ko ay busy na sya sa kakalagay ng kung ano-ano sa mukha nya. Tumingin sya sakin tas medyo natigilan pa sya.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight