11. Date Night

34.6K 716 42
                                    


Beatrix

FRIDAY. It's felt like the longest week, and yet I also feel like I've blinked and the week has passed by quickly.

Pauwi na ako ng dorm kasama sila Emma. Ang kukulit na naman ng tatlo, lalo na si Mia at Fi na laging nagbabangayan.

"Trix, what's up? "

Napatingin ako kay Sophia na yumakap sa left arms ko. Nasa right side ko kasi si Emma.

"Ba't ang tahimik mo these past few days?" Segundang tanong naman ni Mia na katabi ni Fi.

"Tulad nyo pa kasi si Trixie sa inyong dalawa na ang iingay." Komento naman ng roommate ko.

Napapangiti lang naman ako sa kanila. They're right, I've been silent these past few days. Maybe because I've been feeling down?

Alam nyo yung pakiramdam na nasa cloud nine ka kasi nalaman mo na yung taong gusto, ay gusto ka din.

Tapos umasa ka, naging masaya ka ng sobra, kinikilig ka pa na hindi ka makatulog at nag-isip kung anong mangyayari pagkatapos.

But the next day, lahat ng happy feelings ay biglang naglaho. Then you question yourself, was it real or was I being played?

Simula nung Tuesday lunch, hindi ko na ulit nakita si Madrigal.

Ganon nalang ba talaga sya ka bored sa buhay nya at sinasabi nya lang yung gusto nyang sabihin and act like walang nangyari. Act like I don't exist.

"Why are you so quiet, Trixie? What's on your mind?" Emma silently asked. She has been very persistent on asking me about my silence.

I can't help myself but get affected. I tried to assess kung may ibang meaning ba yung sinabi nya or what. Pero hindi eh. Her words were clear, but the intention wasn't.

I've been experiencing sleepless nights because of her and I couldn't tell my friends about it.

"Oy, si pres oh!" Sambit ni Sophia.

And as always, bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig na andyan lang sya somewhere.

Napatingin ako sa direksyon na sinabi ni Sophia at andun nga sya sa harap namin, nakasandal sa isang puno habang nasa loob ang dalawang kamay sa bulsa nito. Para syang isang dyosa sa katauhan ng tao. And it is as if she's waiting for someone.

Umangat ang tingin nya at nagtama ang mga mata namin nang medyo malapit na kami sa kanya.

"Good afternoon, pres." bati ng mga kasama ko sa kanya.

Umayos naman sya ng tayo at parang walang narinig. Ayoko na din mag assume kaya nag-iwas na akong tingin.

Nagulat nalang ako nang biglang nasa harap ko na sya agad.

Alam kong nagtataka yung tingin ng mga kasama ko sa'min. Sino ba namang hindi eh pabigla biglang susulpot 'tong taong 'to sa harap namin.

"Can we talk?" She said, in a serious tone.

Napatingin ako kila Emma. Bakas sa mukha nila yung gulat.

Humarap si Madrigal sa kanila at sila naman ang kinausap. "I want to talk to Beatrix alone."

It wasn't even a request, but more like a command.

Parang natauhan naman sila Emma at tumingin muna sa'kin bago nag-aalangan na magpaalam.

Now what, Beatrix? Mag-isa ka na naman kasama tong taong to na dahilan kung bakit ang gulo gulo ng isip at puso mo.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon