Beatrix
"Oh, God! Oh, God!"
Feeling ko nagpapanic attack na ako sa kaba. Any minute from now, ay magsisimula na ang Mr. & Ms. SVU.
I saw how Luis rolled his eyes. "Can you please calm down? Para ka ng kakatayin dyan eh."
"You know what, eto ang gawin mo. Inhale. Exhale." Dugtong nya
Hinawakan nya ang dalawang balikat ko. "Go on. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Luis and so far, medyo naging okay naman ang pakiramdam ko.
Kanina ko pa hinahanap si Madison. Until now, ni dulo ng buhok nya hindi ko pa din nakikita.
"Hey, she'll come around. Right now, focus. Let's win this!"
I nodded and instead of worrying about Madison, nag focus nalang ako.
Isa din sa mga inaalala ko ay ang suot ko. Inspired by Tinkerbell yung suot ko during the opening program habang si Luis naman ay si Peter Pan.
"Ano na naman ba ang inaalala mo dyan, bruh?" Tanong ulit ni Luisita. Napansin nya ata na tingin ako ng tingin sa suot ko. Ang ikli kasi eh!
"Please remind me why does it have to be this daring?" Tanong ko sa kanya.
"Jeez. Can you chill? You know what you have to do? Go on the stage, give your best shot, and win the crown. I repeat, win the crown." Pagpapalakas pa nito sa loob ko.
I sighed. Ang laki ng tiwala nila na makukuha ko ang crown. Eh never pa nga nag crown ang department namin, ako pa kaya? Duh?
"Okay girls and boys, we'll start in 5 minutes. There's no room for mistakes, okay? We've practiced this already." Announce ng coordinator tas umalis agad.
May mga katulad ko na kinakabahan, may iba din na confident na masyado, habang yung iba ay parang mahihimatay na. Natawa nalang ako sa mga nakikita ko. Atleast maihahanay ko ang sarili ko sa malapit ng mahimatay.
Hindi ko napansin na may kamay na nasa bewang ko. Pagtingin ko ay ang nakangiti na mukha ni Madison.
My God! Mas mahihimatay ata ako sa mga ngiti nyang yan eh.
"Hi." Ngiti nyang bati.
Ngumiti din ako ng matipid. Wala na, nag rarambulan na ang mga intestines sa tummy ko.
Hinagod nya ako ng tingin mula sa paa hanggang sa ulo. Her face was full of admiration, giving me a soft smile.
"You looked... Sexy." Tumingin sya sa katawan ko bago ako tiningnan ulit sa mukha. "And gorgeous."
Namula naman ako sa sinabi nya.
"T-thanks." Nahihiya kong sagot.
She chuckled. "You're really adorable." Then she touched the tip of my nose.
Good evening ladies and gentlemen blah blah blah
Sabay kaming napatingin sa stage.
"I'll see you, later." Sabi nito sakin.
Tumango lang ako kasi parang nabuhay lahat ng dugo ko dahil sa nerbyos na nararamdaman ko.
"I know you can do it. Don't think too much. Just do your thing. I'll be cheering for you, babe." Ngiti nya.
She gave me a long peck on the lips. Naghiyawan naman ang mga tao dito sa backstage.
"Wow, ang territorial naman ng bayawak mo." Bulong ni Luisita sakin. Para talaga tong kabote, pasulpot-sulpot nalang.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight