"Like a painting, all I can do is stare. I can't go near, I can't touch you, or else I'll ruin everything."Madison
"Halam moh Sky? Nahmish koh kah--yo!!"
Sabi ko sabay hug kay Sky.
"Oo na, oo na. Na miss ka din namin. Ano ba, M? Ayosin mo nga ang lakad mo." Rinig kong sabi ni Sky pero hindi ko naman maintindihan yung sinasabi nya.
"Tulongan na kita dyan, Sky." Rinig ko din na sabi ni Luis.
Sya yung nag-drive kanina eh hindi ko naman alam san nila ako dadalhin.
Pagewang-gewang kami habang papunta sa ewan ko ba kung san. Akay-akay nya din ako.
"Hehe tatry ko naman ang kaso pah-ikot-kot ang panihngin ko." Para akong tanga. Feeling ko lahat ng dinadaanan namin ay gumagalaw pati na din yung sahig.
"Ba't ba kasi nag-lasing ka? Ang bigat mo!" Reklamo nila.
Tumigil ako at tinuro ang labi ni Luis. "Shhhhh. Deh ako naglasheng. Happy lahng. Lam moh yung happy? Happy ako kashe pinakinggan nyo akoh lahat."
Inakay nya ulit ako at nagpatianod naman ako.
Ilang sandali lang ay inihiga na nila ako sa kama ko. Ramdam ko yung lambot ng kama. Parang ang sarap ng matulog pero ayoko pang matulog.
Gusto kong uminom ng uminom hanggang sa mahimatay na ako sa kalasingan kasi kahit hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit eh.
Umupo ulit ako. "Gushto ko pa isa!"
Matino pa naman ang isip ko eh.
Pinigilan nila ako. "Hoy! Wag na! Maawa ka naman sa'min! Ke babae mong tao ang bigat-bigat mo!"
Kwinelyuhan ko si Luis at natawa naman si Sky. "Shige na pleassse. Isha pa. Chelebrate natin yung... yung kapatawaran ng barkahada sakin."
Tumayo na ako pero natumba din ako agad.
"Madi! Wag ka na kasi makulit. Icelebrate nalang natin some other time."
Napangisi ako sa sinabi nya. "Prohmishe yan haaaahh??"
"Promise. Ang bigat bigat mo!" Natawa naman ako ng tinulongan nya ulit akong humiga.
"Wait lang, Luis ha? Kukuha muna ako ng pampalit ng babeng 'to." Sabi ng magaling kong kaibigan na si Sky.
Tinawanan ko naman sya at tinaas ko ang kamay ko na parang dinidismiss sya. "Shege lang, Sky. Hanap ka dyan, hanap ka na din gerlpren."
"Ulol!" Tinawanan ko lang sya.
Wala kasi sya gerlpren eh. Puro panchichics inaatupag.
Ang saya ko. Alam nyo ba kung bakit? Kasi ramdam ko yung simpatya ng mga kaibigan ko kanina. Pinakinggan nila ako.
Akmang aalis na din sana si Luis ng pinigilan ko sya.
"Wooohhh! Shalamat sa inyo haaaa? Di na kayo galet shakin?"
"Matagal na yun, Madi. Ang importante narinig namin yung explanation mo." Sabi nya.
Napangisi naman ako. "Hehe. Sana ganun din sha. Shana..." Naiiyak na naman ako. Kanina pa ako nagdadrama sa harap nila pero bakit ganun? Walang katapusan yung daloy ng luha ko? "Shana pakinggan din nya akoh."
"Try mo din kasing mag-explain."
Nilagay ko ang likod ng kamay ko sa mga mata ko. "Hi--hindi kashi ganun kadali yun."
"Madali lang kapag susubukan mo."
Kinuha ko ang kamay ko at umupo. Sobrang nahihilo na ako pero kaya ko pa naman. "Nakakatakot kasi... Natatakot ako sa isasagot nya. Gago kasi akoh." Sinuntok ko ang dibdib ko ng paulit-ulit. "Hang duwag ko!! Hang duwag duwag ko!"
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements (GXG)
Romance"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? How can I love her again with a broken heart?" @ICantWriteStraight