32. Misunderstandings

20.4K 364 46
                                    

Beatrix

"Girls, anong plano natin after finals?" Si Mia.

"Let's have a short vacation!" Excited na sagot naman ni Sophia.

Napatingin ako sa dalawa. Kanina busy pa yan sa kakaaral, brainstorming, and gawa ng requirements. Pero ngayon nagpaplano na gumala.

While ako naman ay tinatapos ang plates ko. Hindi ko na kasi nagagawa kasi lagi kaming lumalabas ni Madison.

Naramdaman kong lumapit si Sophia sakin. "May plano ka na ba this sembreak, Trix?"

Tumingin ako sa kanya saglit at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Wag nyo ngang istorbohin si Trixie. Sabi ko dba, walang mag-iingay." Saway ni Emma sa kanila.

"Hello? Uso magpahinga." Sagot naman ni Sophia. "So Trix, may plano ba kayo ni Madison?" Dugtong nya.

"We haven't talk about it yet. Busy na din kasi sya ngayon eh." Sagot ko.

"Ay! Kapag may plano kayo tas ang barkada nya ha, sabihan mo kami. Sasama kami."

Napatingin ako sa kanya.

Hmmm, I smell something fishy.

"Ayun naman pala. Damoves mo din eh, noh Fi?" Sabi ni Mia. Napapailing nalang ako.

I'm sure may nagugustuhan na naman yang si Sophia sa isa sa mga kaibigan ni Madison.

Speaking of Madison, ayun kasama ng mga kaibigan nya. Kinukulit kasi sya ng mga kaibigan nya kaya wala na syang nagawa.

"Finally! Natapos ko na din!" Mahinang sabi ko. Hindi ko na napansin yung oras, 2:30 am na pala.

Napahikab ako. Sobrang inaantok na ako.

Kanina pa nakaalis sila Mia at Fi, na muntikan na ngang dito makatulog.

Tumayo na ako at niligpit ang mga kalat ko bago ni-check yung phone ko, baka kasi nagtext na si Madison.

Unfortunately, wala akong natanggap na message from her since three hours ago.

Tinext ko sya agad pero hindi naman nagrereply. I tried contacting her, but cannot be reachedz

"Aba. Saan na kaya tong bayawak na to?"

Kahit sobrang antok na ako ay naghintay pa din ako na magtext sya sakin na nakauwi na sya.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Tatry kong katukin sya sa kwarto nya.

Pagkarating ko sa labas ng kwarto nya ay ilang beses akong kumatok kaso wala talaga. Sabi nya uuwi sya ng maaga.

Umupo ako sa labas ng kwarto nya at nagpasyang dun ko nalang sya hihintayin. Ngayon ko lang naisip, sana pala may number ako kay Dan para maitext ko sya sa mga panahong katulad nito.

Ako pa naman yung taong hindi napapalagay hanggang sa malaman ko na safe sya nakauwi.

Hindi ko na namalayan sa kakahintay ko sa kanya ay nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay nagising ako dahil may tumatapik sa braso ko.

"Hey, wake up."

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at napabalikwas ako ng makita kung sino ito— si Felicity.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" She asked, crossing her arms, cocking her eyerbrow

"Umm, hinihintay ko si Madison—" bigla kong narealize na hindi pa pala sya nakauwi. Nagtatakang nakatingin si Felicity sakin habang tinatry ko contakin si Madison.

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon