7. A start of something new

33K 663 96
                                    

Beatrix

"Please Trix. Please don't tell anyone." Kanina pa sya nagmamakaawa sakin. Nakaluhod pa talaga sya. Pinauna na nya kasi yung kasama nya sa loob.

I really can't believe it. He's gay. I mean, there's nothing wrong with being gay. I guess I just didn't see it coming?

"Please, Trix." Ulit nya.

"Luis, please lang din. Tumayo ka na dyan." Sabi ko sa kanya.

Para kasi syang tanga na nakaluhod. Wala naman akong balak ipagsabi eh.

"No. Magpromise ka muna." Pagmamakaawa nya pa din.

Napabuntong hininga naman ako. "Wala naman akong balak ipagkalat."

Totoo naman kasi. Ano namang makukuha ko kung ipagkakalat ko yung preference nya?

It's not even my place to spread his sexuality.

"Really?" Tiningnan nya ako, tinatantya kung nagsasabi ako ng totoo.

"Yes, really. Now, umupo muna tayo sa bench at ipoproseso ko muna ang mga nangyari."

He sighed, but nag-agree naman sya. Magkatabi kaming nakaupo at pareho  tahimik habang pinoproseso yung mga pangyayari.

Sya, ay dahil hindi nya ineexpect na may makakaalam sa sekreto nya. Habang ako, unti unti kong narerealize na ang mundo ay hindi black and white lang. The world is full of rainbows and unicorns.

I've been introduced to a new world and I'm already willing to accept it.

Napatingin ako kay Luis and he seemed scared.

"Hey, I won't tell anyone, Luis. You can trust me." I explained.

Bumuntong hininga ulit sya at hinarap ako. "Are you hurt? Do you like me? I'm sorry Trix. I can't like you back. I just can't."

I rolled my eyes and hit him. "I don't see you like that, you asshole."

Natawa naman ito sa sinabi mo. "Okay, okay. Chill. I'm just kidding!"

Inirapan ko sya. Ako pa talaga yung sinabihan nyang chill eh sya yung naghihysterical kanina.

Umayos sya ng upo at tumingin sa fountain. "I-I'm gay..."

I smiled at his revelation. Hinawakan ko sya sa balikat nya para maramdaman nyang wala namang masama duon, that I can still be his friend kung gugustohin nya.

"I'm gay. I was ten when I confirmed it. My parents doesn't know about it yet. Paano ko ba sasabihin yun sa kanila? My father is a general, while my mother is a politician. I know they wouldn't accept me. Nandidiri sila sa mga katulad ko."

"Ohh.."

"It's just so hard to be like this. Pero hindi ko naman mapipilit sarili kong magpaka straight kung boylet talaga ang gusto ko" Natatawang sabi niya.

Natawa naman ako. Ngayon, confirmed na nga. Lumalabas na yung kabaklaan nitong si Luis.

Tumawa sya at nagtanong. "Nandidiri ka din ba?"

Tiningnan ko sya. Nandidiri ba ako? Wala naman akong nararamdaman nung naghalikan sila except sa shock.

Umiling ako. "Nah. I was just a bit shocked."

Ngumiti sya sakin. "A bit?"

"O edi sobrang shock. Masaya ka na?"

Natawa naman sya pero pareho din kaming natahimik. Parehong walang gusto magsalita.

Napatingin sya sakin. "Trix, I'm sorry. Sorry kung naconfused kita. I'm just.. Just like this. I treasure you as my friend kahit di mo ako kinakausap parati. And even if I'm gay, mas gentleman pa din ako sa mga totoong lalaki."

Chasing Pavements (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon