Chapter 2: School

1K 36 6
                                    

(P.O.V. George)

Sa wakas ay nakarating na ko dito. Sa totoo nyan, nasa gate palang ako. Kailangan ko pang takbuhin papuntang 4th floor. Napatingin ako sa aking relo at nadatnan ko 9:27 na pala at 5-10 minutes pa ang kailangan para makapunta sa room na iyon dahil nga ito'y nasa 4th floor pa. Hindi na ko nagsayang ng oras at ako'y nagmadali na.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Tak-

"Aray ko! Kamalas-malasan naman talaga oh? Sh*t, Bakit ngayon pa? Araaay!"

Nakaupo ako habang hawak ko ang aking tuhod.
Namimilipit ako ngayon sa sakit dahil sa kamamadali, nadapa ako at tumama yung tuhod ko sa bakal na bahagi ng hagdan.

Hjndi na ko nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tumayo't nagpatuloy sa paglalakad kahit na iika-ika.

Nang marating ko na ang tapat ng pinto, habol-habol ko ang aking hininga at ganun pa din tinitiis ang sakit ng tuhod ko at ang tindi ng kabog sa dibdib ko. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at nabuhayan ako ng loob nung wala si ma'am Matilda sa harap.

Nagpatuloy akong pumasok ng nakayuko. Laking gulat ko na lamang nung may nasagap ang peripheral vision ko na tao na nakatayo banda sa likuran at ako'y di nga nagkakamali dahil iyon ay si ma'am Matilda.

Napahinto ako sa mismong gitna nang magsalita ito. Kahihiyan ito. F*ck!

"Saan ka galing Mr. Rein?" Tanong niya sa'kin at ako'y nabigla dahil para bang kayang lumamon ng tao ang expression ngayon ng kaniyang mukha.

"A-ahh. N-na-naT-trafic po ma'am." Nakangiwi kong sagot sa kaniya.

"Do you think your reason is valid?!" Sarkastikong tanong nito.

"Ye---" Sasagot na sana ko nang senyasan ako ni Clark. "N-no, ma'am." Maikli kong tugon at yumuko. Alam ko naman na concern siya. Ayaw niya lang siguro akong mapagalita. Well, thanks to him.

"Then, go out." Aniya na seryosong nakatingin sa akin. Alangan man ngunit tumingin pa rin ako sa maamong mukha. I hate this moment. Ugh!

"Sorry po ma'am. Please, give me a cha---" Di ko pa natatapos ang pakiusap ko ng bigla siyang tumalak.

"I said go out!" Nabigla ako sa kaniyang tinuran. Nagmukha siyang halimaw ngayon nang sumigaw. "Unang klase pa lang, may sinabi na akong rules sa inyo at pinakauna ko pang sinabi na WALANG MALE-LATE SA TIME NG KLASE KO." Bulyaw nito sakin na nagpayanig sa buong room.

Kita mo sa mga mukha ng kaklase ko ang pag-aalala. Sagot pa more!! Tss.

Sa buong buhay ko, walang nagmataas na boses sakin. Yung mga magulang ko? Hindi nila nagawang sigawan o pagtaasan ako ng boses. Siya! Siya lang yung tanging tao na tinaasan ako ng boses. F*ck! shit. Animal yang teacher na yan! A.NI.MAL.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon