(3rd Person P.O.V.)Kahit walang gurong nagtuturo sa section 2, pilit pa rin silang pumapasok sapagkat mas ligtas sila at makakagawa ng plano kung sakaling gumawa ulit ang Master mind.
Kasalukuyan ngayong nagsasaya ang section 2 sa loob ng silid. Pawang mga bata na naghahabulan, nagbubugbugan, nagkukwentuhan, nagtatawanan, at iba pa. Ang ilan naman ay kumakanta, sumasayaw, at naggi-gitara. Ito ang kanilang ginagawa upang mawala ng panandalian ang mga problema nila. Biglang tumahimik sa loob ng silid at napadako sila sa pinto nang may kumatok at iniluwa nito ang kanilang principal.
"Section 2, right?" Sabi ng kanilang principal.
"Yes, ma'am?" Nagtatakang sagot nila.
"Okay, thank you. May announcement lang ako." Nakangiting tugon ng principal.
"A-ano po yun?" Biglang tanong ni Nelson.
"Nabalitaan ko kasi na mayroon daw namatay sa section nyo. Toto..." Naputol ang kaniyang sasabihin ng magsimulang nagbulungan ang mga estudyante. Tahimik lang habang tinititigan niya ang mga ito, sign na iyon para tumahimik ang klase. Nang tumahimik na, agad niya ulit pinagpatuloy ang sasabihin.
"Totoo ba yun?" Tanong ng principal.
"O-opo" Sabay-sabay na tugon ng lahat habang nakayuko.
"Ah, it's okay. Huwag nyo nang isipin yun, ang mahalaga ay ngayon... kayo?" Ani ng principal
"Para naman makalimutan nyo ang mga nangyari sa kaklase nyo, pinapayagan ko kayong magbakasyon kahit mga 1 month. After nun, makakarecover na rin ang ibang teachers, magiging okay at normal na ulit ang lahat." Muling pagsasalita niya at pagpapaliwanag sa klase.
Biglang nagkagulo sa loob ng silid dahil sa sobrang tuwa at galak.
"What?" Gulat pang sambit ni Ken habang nakangiti.
"Hindi nga? Hoowooo!" Sigaw pa ni Sam na nagkakadahiyaw sa tuwa.
"Ano na guys? Mag plano na kayo!" Biglang sigaw ni Joel at ito'y nakangiti.
"Mukhang okay na kayo ah? Sige, alis na ko. Enjoy!" Nakangiting sambit naman ng principal at tuluyan ng umalis.
"Sige po ma'am, salamat!" Sabay-sabay nilang tugon.
"Guys! Saan tayo magbabakasyon?" Excited pang sambit ni Lee.
"Iplano na natin!" Sambit pa ni Candy
"Sige! Ano ba gusto nyo? sa Beach, sa Baguio, sa Subic or Camping na lang?" Suhestiyon pa ni Josh.
"Matagal-tagal din naman ang binigay na time at panahon para satin diba? Kung sa Subic na lang kaya tayo? Mas okay kasing magbakasyon doon eh? Ano, gusto nyo ba?" Biglang salita ni Jake.
"Bukas ko pag-iisipan ang lugar kung saan tayo magbabakasyon." Sabi ni Nelson.
"Bakit bukas pa? I-set na kaya ngayon?" Maarteng sambit ni Mia
"Bukas na nga, para makahanap pa ako ng mas magandang lugar!" Sigaw sa kaniya ni Nelson.
"Okay!" Tipid niyang tugon sabay umirap kay Nelson.
Muling nagsaya at ipinagpatuloy nila ang nawaglit na kasiyahan. Lumipas ang mga oras, napagod na ang karamihan at agad na nagpahinga.
~~~~
(P.O.V. Xiara)
"Jade, kunin ko lang yung gamit ko sa locker. Wait mo na lang ako dyan huh?" Sabi ko kay Jade at tuluyan ng umalis ng room. Kukunin ko muna ang mga gamit ko sa locker para di na ako magahol pa kung aalis na kami.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...