Chapter 43: Crime 7 - Thorn

193 15 0
                                    


(P.O.V. Candy)

Hindi ako makapaniwala na magagawa  lahat 'yun ni George. Siya kasi yung taong makulit, mabait, trustworthy, masipag, at masayahin. . . Pero, paano niya nagawa ang mga yun. Pakitang tao?

Siguro nga, hindi ko pa masyadong kilala ang buong pakatao niya. Nasa loob din pala ang kulo. Tssk!!

Pinagmamasdan ko lang siya na umiiyak at humihingi ng sorry sa harap ng mga nakabitin naming mga kaklase at pamilya niya. Gusto ko mang damayan siya pero, pilit na lumalayo ang paa ko sa kaniya.

Oo, masakit naman talaga na makitang ang mga mahal mo sa buhay ay unti-unting nawawala. Pero, hindi naman 'yun mangyayari kung hindi rin dahil sa kaniya. He is one of her... KILLER!!

Nang malaman ko ang lahat kanina, nawalan na ako ng tiwala sa kaniya. Oo, sabihin na nating humingi man siya ng sorry o patawad, pero hindi na ito maibabalik pa ang buhay na sinayang niya.

Oo, mapapatawad nga siya pero, hindi pa sa ngayon kundi sa mahabang panahon.

Mahirap ibalik ang lahat lalo na't wala na at patay na. Sabi nga sa kasabihan, laging nasa huli ang pagsisisi. Tama naman, actually. Pero, dapat 'yun ang inisip ni George nung una pa lang. Bakit niya ba kasi nagawa ang mga ganung bagay?! Careless.

Nawalan na ako ng ganang kausapin siya o damayan man lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Lalayo ba ako?

Minabuti ko na lamang ang umiwas at lumayo sa kaniya. Ayoko siyang kausapin dahil isa siyang sinungaling.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng mga paa ko. Pero, gusto ko ng tahimik na lugar. Walang kahit na isang tao. Yung walang gulo at iwas sa mga nangyayari ngayon. Yung ako lang mag-isa hangga't maaari.

Naagaw ng atensyon ko ang bintana. Napatingin rin ako sa aking relos. Gabi na pala at mag-aala otso na. Kailan kaya matatapos ang laro niya? Kapag ba naubos na kami rito? Bwisit!!

Dinala ako ng aking paa sa isang kwartong madilim. Wala akong makita kundi itim dahil kusa ring sumara ang pinto.

Pero, buti naman at sinunod ako ng aking mga paa. Thank you.

Umupo ako na parang bata sa isang sulok. Iniyuko ko ang aking ulo at ipinikit ang mata ko upang makatulog.

Ngunit, ilang minuto lang ang lumipas, nakarinig ako ng ungol. Ungol iyon ng isang tao.

Kinakabahan man, pero dahil sa curiousity kills me, unti-unti kong itinaas ang ulo ko upang makita 'yun.

Ang kaninang tahimik at mapayapang kwarto ay napalitan ng isang gulo dahil narito pala ang isa pang laro ng hay*p na Melen na 'yun. Kusang bumukas ang mga ilaw dito at nagulantang ako sa aking nakita.

Nakatapat kina Jade at Xiara ang spot lights. Pinag-gigitnaan nila ang isang malaking drum at may mga hose na nakalagay doon.

Konektado ang mga hose patungo sa bibig nina Jade at Xiara. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ng drum na iyon. Lason? Liquid medicines? Who knows? Halata sa kanilang mukha ang takot at kaba.

Umiiyak na rin silang dalawa pero ako... Ito, tulala. Tulalang nakatingin sa kanila at wala man lang ginagawang aksyon. Shit!

Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng sayo manggagaling ang disesyon. Matinding panginginig ang lumamon sa buo kong katawan.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon