(P.O.V. Mike)
Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagbago si kuya George nitong mga nakaraang araw. Simula kasi ng umalis siya nung saturday, naging mapag-isa, malungkutin at laging naglalagi sa kaniyang kwarto. Hindi ko naman siya madamayan dahil nga ayaw niya ng makakausap, paano kaya nya iyon malalagpasan kung ayaw niyang sabihin sa iba ang kaniyang problema.
Narito ako ngayon sa gate habang hinihintay ang iba kong kasamahan na mayroon lang kinuha sa room namin dahil nakalimutan niya iyong dalhin. Halos ako na lang ang mag-isa na nandito sa labas.
"Ano ba yan? Napakatagal naman ni Carl!" Sabi ko sa aking sarili, agad kong kinuha ang aking phone at agad siyang tinawagan.
"Hello! Carl? Bakit naman ang tagal mong bumaba? Nakakabwiset na huh! Mauuna na ko?!" Pasigaw kong sabi sa phone.
"A-ahh, wait lang pre! Hindi ko nakita ehh? Sandali na lang toh, konting tiis pa!" Sagot naman niya sakin. Ayoko pa naman na pinaghihintay ako.
"Konting tiis na lang, masasapak na kita?! Nauubos na ang pasensya ko sayo huh! Umay....." Naputol ang aking pagsasalita ng mayroong tumakip sa aking mukha pinipilit kong lumaban pero ang lakas niya dito na ako tuluyang nawalan ng malay.
******
(P.O.V. Mark)
Mag-isa ako ngayong naglalakad pauwi sa'min, syempre ganito naman lagi ang routine ko ehh. Sanay na kong laging mag-isa at laging iniiwanan. Ganyan diba ang kaibigan? Then, lalapit lang sayo kapag may kailangan. Ang hirap kaya ng ganun, yung akala mo kaibigan mo pero hindi naman pala! Ang isa sa mga tinurin kong kaibigan ay si Lee, mabait naman talaga siya kaya lang yung pakikitungo niya sa iba ay parang kaplastikan lang. Yung unang pasukan nga ay ang gaan ng loob ko sa kaniya pero yun palang gaan na loob na iyon ay kabaliktaran. Hindi ko rin siya maintindihan dahil moody siyang tao, pero tinitiis ko na lang iyon. Sabi nila, meron daw TUNAY na KAIBIGAN, dyan ako inis na inis dahil nga siguro ay naging bitter na ko sa pakikipagkaibigan.
Malapit na ako sa may kanto namin nang mayroon akong naramdaman na tumusok sa aking balikat. Tinignan ko iyon at ito ay isang syringe na may lamang likido.Tumingin naman ako sa aking likuran para makita kung sino iyon at mayroon akong nakitang mga lalaki, pinipilit kong igalaw ang aking katawan para makalayo pero nanghihina na talaga ako. Ito ba ang sinasabi nilang mag-iingat kami, ako na ba ang susunod na mamamatay? Pero ayoko pa, di pa ako handang mamatay. Doon na nga ako tuluyang nawalan ng malay.
****
(P.O.V. Stacy)
"Bye! Ingat kayo huh?" Pagpapaalam ko sa kanila Mia at Mj, tuluyan na nga akong pumasok sa loob. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang aking ulo, hindi ko naman kasi akalain na magagawa ni Clarissa ang mga bagay na iyon. Ang akala ko ay isa siyang babaeng mahina, pero nagkamali ako. Nasa loob pala ang kaniyang kulo! Biglang tumunog ang aking phone, agad ko itong dinampot at binasa.
"Hoy! Babae? Ano yung nabalitaan ko sayo?"
From: Ate
Hala, nalaman na kaya niya na nakipagsabunutan ako? Kinakabahan tuloy ako. Mabuti pa nga't itxt ko na lang.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...