Chapter 41: Crime 5 - Aquarium

209 17 0
                                    

Dedicated to lavegaslunalee

*****

(P.O.V. George)

Ang layo na ng aming binyahe ngunit hindi pa rin namin nahahanap ang lugar kung saan naroroon ang aking pamilya at aming mga kaklase.

Kasalukuyan pa rin naming tinatahak ang lugar na iyon hanggang ngayon. Maghahapon na at sa tingin ko ay ubos na ang oras na binigay ng misteryosong taong iyon.

Habang nasa biyahe, napapansin ko ang paunti ng paunti ang mga bahay na nadadaanan namin. Napapansin ko rin ang parami na ng parami ang mga kakahuyan sa paligid.

“G-george. Pwede bang ihinto mo muna dyan sa may tindahan.” Sabi ni Candy na ipinagtaka ko.

May balak pa sana akong magtanong pero siguro ay nagutom lang ito dahil sa haba ng aming biyahe. Kaya, hininto ko na lang sa tabi.

Agad naman siyang bumaba na siyang ginawa ko rin.

“Excuse me po. Pwede po bang magtanong?” Tanong niya sa matandang babae na nagtatahi.

“Ano iyon?” Tugon ng matanda.

“Tanong ko lang po kung alam niyo po ang lugar na ito?” Aniya saka may inabot sa matanda.

Ang akala ko ay gutom siya. Yun pala, nakaramdam din siya na parang naliligaw na kami.

“Ah. Oo. Dumiretso lang kayo at saka kumaliwa. Tapos, may matatanaw na kayong mansion doon. Yun nga lang, nahaharangan siya ng malaking gate na kulay itim. Medyo may kalayuan pa ito bago niyo marating.” Seryosong sabi ng matanda.

“Salamat po, Nay. Ang akala po kasi namin ay naliligaw na kami. Sige po, mauna na kami.” Nakangiting tugon ni Candy sa matanda. Tinanguan ko na lang siya saka tumalikod.

“S-sandali.” Napahinto naman kami sa paglalakad ng muli siyang magsalita.

“Sigurado ba kayo sa desisyon niyo?” Wika ng matanda na amin namang ipinagtaka.

Tila nag-aalala ito sa amin, ayun narin sa nakikita ko mula sa kaniyang mata at mukha.

“Opo.” Maikling tugon ni Candy.

Nakita ko naman ang patagong buntong hininga na pinakawalan ng matanda.

“Mag-iingat kayo. Delikado ang lugar na iyan para sa inyo lalo na't mga baguhan lang kayo sa lugar na ito.” Pag-aalala niyang sambit at saka tumalikod na sa amin.

Hindi na bago sa amin ang delikado o kamatayan. Dahil una pa lang, alam namin sa sarili namin na kahit anong oras, araw ay delikado na ang aming buhay at matagal na naming tinanggap sa sarili namin na bilang na lang ang aming oras para mabuhay dahil sa laro na ginawa ng h*yup na master mind.

Sumakay na kami at nagsimulang bumiyahe.

~~~~~~

Narito na kami sa harap mismo ng gate na sinasabi ng matanda. Totoo ngang malaki ang gate ngunit hindi ko expected na sobra ang laki nito na halos isang palapag ng building ang taas.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon