(Author's note:)
Guys! Look.... Happy 2k reads! Thank you so much!!
Start!
***
(Third Person P.O.V.)
Iyak lang ng iyak ang nagawa ni Chelsea. Hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Kung bakit siya ang napagbibintangan na killer o master mind ng kaniyang mga kaibigan. Nawala na rin ang tiwala ng kaniyang mga kaklase sa kaniya.
"Tinurin ka pa naman naming kaibigan, bilang kapatid tapos pagpatay ang igaganti mo sa amin? Napakasama mo!" Sabi sa kaniya ni Sam at agad na tinarayan.
"P-pero, wala akong gina---" Naputol naman ang kaniyang sasabihin ng bigla namang sumagot si Diana.
"Hindi namin kailangan ang pagpapaliwanag mo, killer! b*tch!" Wika naman ni Diana at dinuraan pa si Chelsea.
"Yan ba ang kaibigan?" Malakas na sigaw ni Joel.
"Bes, spell Chelsea?" Mapanurang sambit ni Jade kay Clarissa.
"Ang hirap naman niyan, pero ang alam ko is K.I.L.L.E.R" Tugon naman ni Clarissa kay Jade at sabay na tumawa.
"Killer?! Yan ba ang kaibigan? Tinurin mo na ring kapatid pero ang iginanti ay masama?! What kind of f*cking friend she is!? Mas masahol pa siya sa hayop!" Sagot naman ni Lee.
"Mukhang nakuha mo ah?!" Masaya namang tugon ni Josh.
"Please! Tama na! Hanggang kailan ko ba sasabihin sa inyo na hindi ako isang KILLER?! Napakasasakit ninyong magsalita! Yan ba ang kaibigan? Hinuhusgahan kaagad at hindi binibigyan ng time para magpaliwanag?! Dapat nga ako pa ang magsabi ng 'What kind of f*cking friend all of you is!?' Sa tingin niyo ba ay magandang pakinggan iyon? Sana naman alam niyo yung kasabihang... Don't judge the book by it's cover. Pero hindi cover ang tinutukoy sakin kundi yung papel na nakita niyo na agad niyo namang hinusgahan! Napakasakit lang dahil ako agad ang inyong sinisi. Sa katunayan nga niyan, I need to explain to all of you kung bakit ko nakuha ang bagay na 'yun, pero hindi eh, hindi niyo ako hinayaang magpaliwanag! Sino kaya sa ating lahat ngayon ang mas mga HAYOP?! Yan ang hirap sa inyo eh? Ayaw niyong paniwalaan ang mas nakakaalam, naging bulag kayong lahat sa katotohanan!" Tuloy-tuloy na sambit ni Chelsea habang umiiyak. Hindi na rin kasi nakapagtiis si Chelsea sa mga pinagsasasabi sa kaniya ng kaniyang mga kaklase, kaya niya iyon nagawa... Ang sigawan na sila.
Tumahimik naman ang paligid at walang nais na magsalita. Halos lahat sila ay walang masabi dahil sa biglang pagsigaw ni Chelsea. Dahil, ngayon lang nila nakitang naging wild si Chelsea.
"Ano? *sob B-bakit kayo *sob wala ng masabi? *sob Kasi totoo *sob ang mga *sob sinasabi ko?" Sabi pa ni Chelsea. Nagsiyukuan naman ang mga kaklase niya dahil doon.
"Tama na Chelsea. Mukhang labis na ang luha na nailabas mo. Mabuti pang magsi-uwi na muna tayong lahat. Tama na ang away, magkakaibigan pa rin tayo dito, kaya kalimutan na lang natin iyon." Biglang salita ni Mia na ngayon ay hinihimas ang likuran ni Chelsea.
Nagsunuran naman ang mga kaklase ni Mia sa kaniya at mabilis na lumabas ng silid. Tanging si Chelsea at Mia na lang ang nasa loob.
"Ano nga ba talaga ang totoong nangyari?" Pagtatanong ni Mia dahil sa kuryosidad na lumamon sa kaniya.
"G-ganito kasi yun." Sambit ni Chelsea saka nagbuntong-hininga bago ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Bale, yung nakuha ni Diana na pinakita sa inyo ay ako ang nakakita nun." Pinutol muna ni Chelsea ang kaniya sasabihin dahil bigglang nagtanong si Mia.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...