Dedicated to jinky8425
*****
(P.O.V. Sam)
Narito ako ngayon sa kwarto ng Master mind habang nakaupo sa isang couch at naghihintay. Tinawag niya kasi ako dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sakin. Hindi ko alam kung ano iyon pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Iba kasi ang taong ito. Kilalang-kilala ko na. Ang totoo niyan, tita ko siya at pamangkin niya ako. Pero, nasanay na rin akong tawagin siyang ganun dahil na rin sa nangyayari sa mga kaklase ko.
Noong una, tutol akong pumayag sa sinasabi niya at pinapagawa niya sa akin. Iyon nga ay ang kumuha ng tao para makumpleto at mabuo ang kaniyang ginagawang plano. Ang kaniyang laro? Hindi ako pumayag noon, dahil ayokong masali sa mga kalokohan at kag*guhan na ginagawa niya para lang makaganti. Makaganti sa nag-iisa niyang anak na namatay nang dahil sa pamilya ni George.
Ang tagal na rin niyang kinimkim at sinarili ang pagluluksa't pagdurusa niya sa kaniyang anak na namatay. Halos limang taon na rin ang nakakalipas ng mamatay ang kaniyang anak at ngayon lang siya nakarecover. Pero ang pagbabalik naman niya ay upang makaganti.
At doon ko nakita ang tunay niyang kulay, ang tunay na siya. Sinabi niya rin sa akin na 'gagawin daw niya ang lahat para mapapayag lang ako'.
Flashback:
Habang nasa klase, hindi ko makalimutan ang sinabi sa akin ng tita ko. Nag-iisip na rin ako kung sino-sino ba ang mga taong kukunin ko para lang sa laro ng tita ko. Naguguluhan ako at hindi matuon ang aking atensyon sa klase.
“Right, ms. Dizon?” Bumalik ako sa wisyo ko at akin itong ikinagulat ng may biglang tumawag sa apelyedo ko.
“Y-yes, ma'am Matilda.” Maikli kong tugon dahil hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya.
“Mag-ready ka mamaya, mag-rerecite ka ng lahat ng diniscuss ko ngayon.” Sabi niya at nagpatuloy muli sa pagdi-discuss niya.
Lintek na teacher to! Nakakabanas! Kung siya kaya ang ibigay ko para sa laro ni tita? Tignan natin kung may ibubuga pa tong grendel na to. Bwiset!
Makalipas lang ang isang oras at natapos na rin ang time ni ma'am Grendel. Buti naman ay nakasagot ako kanina.
May bigla namang nagtext sa akin. Sinasabi dito na patay na daw ang mga magulang ko. Sa pagkabigla at gulat ko, agad akong napabalikwas ng tayo at mabilis na lumabas ng silid. Nagmamadali na akong umuwi sa bahay upang alamin kung totoo nga ang balitang iyon.
Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school kaya mabilis ko na lang iyong tinakbo.
At hindi nga ako nagkakamali roon, dahil pagbukas ko pa lamang ng pinto namin... Nadatnan ko pa ang tita ko na nakatalikod at may hawak pang kutsilyo na duguan.
Habang ang mga magulang ko ay nasa lapag at naliligo na sa kanilang sariling dugo. Unti-unti naman ng umiinit ang paligid ng aking mata at nararamdaman ko na ang mga luha kong gusto ng kumawala. Agad akong napatakbo sa kinalalagyan nila at mahigpit na niyakap. Wala na akong pakialam kung mabahiran man ng dugo ang aking damit o ang buo ko pang katawan.
“Nay! Tay! G-gumising kayo! Please! Parang awa niyo na, Nay, Tay!” Malakas na sigaw ko habang umiiyak na nakayuko sa kanila.
“A-anak. H-huwag kang u-umiyak.” Putol-putol na pagsasalita ni mama.
“N-nay!” Tanging bigkas ko at mahigpit siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...