Chapter 32: Crime 4 - Pixels (3/3)

292 19 9
                                    


(P.O.V. Mia)

Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto na nakalagay ang pangalan ni Mj. Wala akong ibang dala kundi ang nararamdaman kong kaba at matinding takot.

“Mia! Ipangako mong maililigtas mo si Mj. Hindi kita mapapatawad kapag hindi mo nagawa ang responsibilidad mo... Iligtas si Mj, ang ating bestfriend!” Sigaw sa akin ni Chelsea. Nilingon ko naman siya. Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na niyakap.

“O-oo. P-pangako.” Hesitant kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman ko.

“Okay. Sige, mag-ingat kayo.” Nakangiti niyang sambit sa akin.

Tumango na lang ako bilang pagsagot at tumungo na sa destinasyon. Naglalakad na ako patungo sa may pinto. Kada lakad ko ay mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso, tumitindi na rin ang kaba na aking nararamdaman at ang takot na namumuo sa akin.

Nang tuluyan na akong nakapasok, kusa namang sumara ang pinto na akin namang ikinagulat. Napabuntong-hininga na lang ako at nagtuloy-tuloy na. Mas lalong nadagdagan ang takot ko dahil ang kwartong ito ay napakadilim. Wala kang makikita kundi itim.

Kahit man takot at kinakabahan, nagpatuloy pa rin ako. Ang nagsisilbing lakas ko ay sina Mj at Chelsea.

Hanggang sa, bigla na lamang umilaw sa aking tapat at bumukas ang TV. Mayroon namang lumabas na mapa roon at ang pixelated na mukha ni Mj. Kasabay din iyon ng pagbagsak ng walkie talkie sa aking harapan.

“Ay! Juice ko! Bwiset to ah. Papatayin ako sa gulat. Hhooo.” Sigaw ko dahil sa gulat. Kinain naman ako ng kuryosidad kaya napilitan naman akong kunin na iyon saka in-on.

“H-hellooo... Si Mia to! M-may tao ba dyan?! Magsalita ka naman oh?” Sabi ko habang nakakunot ang aking noo.

(H-helloo! Mia?! P-please, t-tulungan mo naman ako dito. A-ayoko pang m-mamatay! Kaya, tulungan mo ko?!)

Humahagulgol at pagmamakaawa ni Mj na aking naririnig sa hawak kong walkie talkie.

“M-mj?! Ikaw ba y---” Magsasalita pa sana ako ng bigla namang umeksena ang nasa screen ngayon, ang nakakabwiset na shit... kundi ang manika.

"Hello, representatives! Madali lang ang game natin ngayon. Wala kayong makikitang patayan na magaganap. Pero, matutupad lang iyon kung maililigtas niyo ang mga love ones niyo sa puzzle na kwartong kanilang kinalalagyan. Madali lang ang game natin, kailangan niyo lang naman silang papuntahin o tulungan na makapunta sa lugar na kinalalagyan niyo... But, here's the twists. First, kailangan munang mahanap ng mga players natin ang key para mabuksan nila ang pinto patungo sa inyo dahil magkakonekta lang ang pinto niyo sa kanila, inshort magkarugtong. And the last twist, will be the time limit. Bibigyan ko lamang sila at kayo ng five minutes to do that game. Pero.... Kung hindi niyo nagawa sa tamang oras, well? Magkita na lang kayo sa hell! Whahaha. Ano? Exciting diba? Let's our game... Begin!" Pagpapaliwanag ng sana screen. Ito'y nawala at muling bumalik sa mapa saka nag-umpisa nang gumalaw ang oras na nasa taas.

“Mj! Makinig ka sa akin, huwag kang mag-alala dahil maililigtas kita riyan. Basta, huwag kang magpanic ha?!” Nagmamadali kong sabi sa kaniya. May takot man ako sa pwedeng mangyari pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

(T-tulungan mo ko, Mia. Please... Kailangan ko ng tulong!)

“Oo. Basta makinig ka sa sasabihin ko! Tumakbo ka na papuntang kanan! Bilisan mo, may oras ito.” Utos ko.

(A-anong ibig mong sabihin?)

“Basta takbo!” Sigaw ko.

Mukha namang tumatakbo na si Mj dahil magulo na ang aking naririnig sa walkie talkie, nakikita ko na rin sa mapa na gumagalaw na si Mj.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon