(P.O.V. Clarissa)
"M-may gustong k-kumuha sa'min, k-kaya tumakbo kami... Tapos, n-nadapa si Allison at naabutan siya. G-gusto ko mang tulungan siya kaso hawak-hawak na siya ng mga kalalakihan at sabay ipinasok sa loob ng van. Sa sobrang kaba ko, tumakbo na ko tungo dito.... Kasalanan ko toh, wala man lang akong nagawa para sa Pinsan ko! Naging duwag ako! mas inuna ko pa ang sarili ko kaysa sa kaniya!" Pagpapaliwanag ko sa lahat at sabay hagul-gol ako ng pag-iyak. Hindi ko talaga kaya na ang sarili kong pinsan ay hindi ko nailigtas...
(FLASHBACK)
Narito ako ngayon sa bahay ni Allison, hinihintay siyang magbihis. Nagtxt kasi siya sa'kin na sabay daw kaming pumasok.
Habang naghihintay, nililibang ko ang aking sarili sa pagkanta dito sa aking phone. Buti na lang ay lumabas na si Allison, malapit na kasi akong ma-bored.
"Hay! Sa wakas, tapos ka na rin. Tara na, 10 minutes na lang!! Pabebe talaga toh kahit kailan!" Pagrereklamo ko pero di niya pinansin yun at hinila na ko.
Habang naglalakad kami, napapansin ko na merong sasakyan na sumusunod sa'min. Kada tingin ko ay hihinto ito at pagtalikod ko naman aandar ng dahan-dahan. Buti na lamang ay maraming tao dito. Nagdire-diretso lang kami at hindi ko na iyon pinansin.
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Napasarap yata ang aming pagku-kwentuhan dahil hindi ko napansin na wala na palang tao banda rito. Nakita ko ang sasakyan na ilang distansya na lang ang layo sa amin.
"Allison, takbo na tayo! Malapit na sila!" Bulong ko sa kaniya. Biglang kumunot ang kaniyang noo sa sinabi ko.
"Clarissa, nag-almusal ka ba? Ano yang mga pinagsasabi mo! Anong malapit na sila? Eh wala ngang sumusunod sa'tin. Nakapag-take ka ba ng gamot mo?" Pagtataka niyang sagot sakin.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Terror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...