(P.O.V. George)
Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Allison dahil isa ako sa mga tumulong para makuha ang Susi, in short killer na rin. Nawala sa amin ang isa sa mga nagbibigay buhay sa klase. Pero masaya ako dahil nailigtas namin si Liza. Magkasama kami ngayon ni Julius sa kwarto ni Liza. Kahit papaano, nabawasan ang lungkot na dinarama ni Julius dahil sa wakas ay nakita na niya ang kaniyang kapatid. Pero may lungkot pa rin ito dahil sa nangyari at natamong mga sugat ni Liza.
"Bro! Una na ako, malapit ng magdilim ehh. Baka hinahanap na ako sa amin, balik na lang siguro ako dito bukas. Ingat ka huh!" Pagpapaalam ko sa kaniya. Tanging tango lang ang naiganti niya sa'kin at muling bumaling sa kaniyang kapatid. Siguro ay namiss niya ng sobra si Liza. Halos 1 araw nawala sa piling niya ang kaniyang kapatid. Kung sa akin man mangyayari yun, baka di ko kayanin.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtuloy-tuloy na palabas ng hospital. Wala akong matanaw na mga sasakyan banda rito, kaya sinimulan ko ng maglakad pauwi. Hindi ko talaga akalain na makakapatay kami, at ang masakit pa dun... kaibigan mo pa! Napapaluha na pala ako ng hindi ko namamalayan, napakasakit palang mawalan ng isang kaibigan at isa pa sa mga nagbibigay kabuluhan o kasiyahan sa classroom namin. Hindi na ako nalalayo sa isang killer, pinagtulungan namin si Allison na mamatay. Nagulat ako ng merong bumusina sa aking likuran at ito ay isang tricycle.
"Sakay?" Tanong sakin ng driver. Bigla kong pinunasan ang aking luha. Hindi niya ba alam na magugulatin ako? Buti na lang wala akong sakit sa puso. Naku, may ipapagamot pa siya kung nagkataon.
"A-ahh, sige po." Sagot ko naman sa kaniya.
Habang patuloy na umaandar, hindi maalis sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Laying nagto-throwback sa'kin ang mga nangyayari. Di ko na malayan na nasa tapat na pala ako ng aking bahay. Bumaba na ako at nagbayad saka tuluyang bumasok sa loob.
"Ohh? Saan ka ba galing? Ang tagal naman? Ang akala ko ba ay hanggang 5 lang kayo? Ehh mag-aalas syete na ahh?" Sunod-sunod na bungad na tanong sakin ni mama. Wala akong ganang mag-explain ngayon sa kaniya, dahil na rin sa pagod.
"Napatagal po kasi ang paghahanap ehh, sorry po ma." Sambit ko na lang at sabay yumuko.
"Ganoon ba? Kumain kana ba? Mukhang napagod ka." Nag-aalalang sabi niya sa'kin.
"Bukas na lang po ako kakain, mas kailangan ko ang pahinga ngayon." Sabi ko sa kaniya at nagtuloy-tuloy ng umakyat pataas.
*******
(3rd Person P.O.V.)
Kinabukasan.
Habang naghihintay sa room ng isa-isang pagdating ng mga kaklase, makikita mo sa mga mukha ang lungkot dahil sa mga pangyayari. Nang nakumpleto na sila, halos walang nagsasalita at nakakabinging katahimikan ang namayapa sa loob ng klase. Sadyang naapektuhan si Clarissa sa mga nangyari, dahil hanggang ngayon ay umiiyak pa ito at halos humihikbi na dahil hindi niya tanggap ang pagkamatay ng kaniyang pinsan. Hindi niya lubos maisip na magagawa pala ng mga kaklase niya ang pagpatay sa sarili nilang kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...