(Candy P.O.V.)
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga nangyari kanina. Halos hindi ito mawala at ayaw umalis sa isipan ko. Humiga ako para mas maging okay ang pakiramdam ko.
"Hay, salamat!" Bulong ko sa aking sarili.
Namimiss ko na agad si Angel. Sa totoo niyan, si Angel ang tipo ng tao na mabait, friendly, joyful, parang halos lahat na yata ng good attitude ay nasa kaniya. Namiss ko tuloy ang samahan namin, kulitan namin, tawanan, biruan, at batukan namin.
Ang sakit-sakit lang dahil maaga siyang namatay, pinatay rather. F*ck that killer! Sino ba siya para guluhin ang mga buhay namin? May karapatan ba siyang pahirapan at paglaruan kami? Sino ba siya talaga!? Gago siya!
Hindi ko tuloy nasabi kay Angel ang pagpapasalamat ko sa kaniya, ni hindi ko man lang nasuklian ang lahat ng ginawa niyang pagtulong sa akin. Gusto ko man siyang tulungan para makaalis sa kalagayan niyang iyon... Ngunit wala akong nagawa, mas inuna ko pa ang aking sarili kaysa sa kaniya. Sa ginagawa ko bang ito, may karapatan ba akong umiyak? Mukha wala yata! I'm a selfish person! Ang tanga ko talaga.
"Nandyan ka na ba Can?" Sigaw ng aking kapatid na nasa labas ng pintuan habang malakas na kumakatok.
Pinanatili ko ang aking bibig na nakasara dahil ako'y pagod at kailangan ko ang pahinga.
"Ate!" Sigaw niya pa ulit at malakas na kumakatok. Naiinis ako. Nakakairita. Kailangan ko ng pahinga ngayon!
"I need some rest! Leave me alone!" Bigla kong pagsigaw sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit yun na lang ang aking nabitawang salita. Siguro ay sa pagod ko lang.
Hindi naman na siya nagtangka pang ulitin, siguro ay nakahalata na siya. Siguro ay may tampo sa akin si Jill. Siya ang aking kapatid. She is 10 years of age. Actually, dalawa lang kaming mag kapatid. Mahirap dahil bata pa ang kapatid ko para masandalan ko o humingi ng payo.
Naalala ko tuloy si Jake, sayang nga lang dahil maaga rin siyang pinatay. Si Jake lang naman ang taong nagpabago sa aking kapatid. Nakita ko rin na gusto ng aking kapatid ang attitude ni Jake. Sinabi niya rin na dapat daw ay kami ang magkatuluyan dahil bagay kaming dalawa ni Jake. Pero, iyon ay hindi pwede. Hindi pwede dahil, yung time na yun ay sila ni Scarlet. Oo, aaminin ko. May feelings ako kay Jake, pero iyon ay hindi niya alam. Ayoko ko namang sabihin iyon dahil ako lang din naman ang masasaktan.
Syempre, madali lang naman akong mahulog o magkaroon ng feelings sa isang tao kung ito ay mabait, masipag, at responsible o kaya nagpapakita ng kabutihan sa iyo.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. 'Hay! Makatulog na nga lang.' Ako nga ay tuluyan ng natulog habang naiisip pa rin ang mga naiwang alaala nina Angel at Jake.
(Johanna P.O.V.)
Habang kami ay naglalakad pauwi... Ako ay nakatahimik lamang dahil hindi pa rin ako nakakarecover sa nangyari kanina kina Angel at Jake.
"Hoy! Okay ka lang ba, Johanna?" Pagtatanong sa akin ni Mia.
"Oo." Walang gana kong tugon sa kaniya. Wala talaga akong mood ngayon. Parang gusto kong mapag-isa at magmukmok lang sa isang tabi.
"Sigurado ka ba?" Muli namang tanong ni Mia.
"Oo." Tipid ko muling tugon. Wala talaga akong ganang makipag-usap sa kahit na sino.
Nandito na kami sa tapat ng aming gate at minabuti ng magpaalam sa kanila.
"Sige. Dito na ko! Ingat kayo!" Malungkot kong sabi sa kanila at minabuti ng pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...