Chapter 11: John

387 27 1
                                    

(P.O.V. John)




(FLASHBACK)

'Ma? Saan po pupunta si papa?' Tanong ko

'Sa trabaho anak?' Malungkot niyang tugon.

'Ahh, ganun po ba? Bakit po kayo malungkot?' Tanong ko

'A-ahh, h-hindi ah?' Nagsimula ng tumulo ang kaniyang mga luha

'Bakit po kayo umiiyak? Ano po ba nangyari?' Muli kong tanong

'W-wala ito, mami-miss ko lang ang tatay mo.' Aniya

'Magta-trabaho lang naman po siya ah?'  Sambit ko

'Oo anak, yun na nga ang ikinalulungkot ko k-kasi...
mag-iibang bansa siya.' Malungkot niyang tugon

'Bakit po hindi siya nagpaalam sakin?' Nag-umpisa na akong lumuha

'May dahilan ang tatay mo, kaya di nagpaalam sayo? Ayaw daw niyang nakikita kang umiiyak kapag umalis siya?' Sagot niya

'Bakit po siya ganun?' Sigaw ko at biglang tumakbo palabas at nagtungo na sa aking kwarto.

Makalipas ang tatlong buwan.

'Aaarrrraaaayy!' Sigaw ko sa sakit na aking natatanggap mula sa aking ina dahil natalisod ako sa kaniyang paa.

'Ano! Sabi ko sayo, wag kang gagawa ng kahit na anong makakasakit sa iba!' Sigaw niya sakin habang pinapalo niya ako ng bakal. Halos nagkakaroon na rin ako ng pasa dahil sa paulit-ulit na pagpalo na kaniyang ginagawa.

'T-tama na p-po! A-ayoko n-na!' Putol-putol kong sambit dahil sa aking pag-iyak.

'Ano! Uulitin mo pa ba?' Tanong niya

'H-hindi n-na p-po!' Ani ko

Binitawan na niya ako at nagsimula na akong nagtatakbo sa aking kwarto. Nagbago si mama ng mawala si papa, hindi ko alam kung bakit. Parang isang linggo palang nawala si papa, naging ganyan na siya. Pumayat, bumubulong, sumisigaw ng walang dahilan, nagwawala, naging sensitive, tumatawa ng walang dahilan at iba pa. Halos tiniis ko ang pananakit na yun ng dalawang buwan at tatlong linggo. Minabuti ko na lamang na umalis ng bahay at tumuloy muna kina lolo at lola.

(END OF FLASHBACK)

Naalala ko na naman ang mga nangyari sa nakaraan na dapat ay kinalimutan ko na.

Akala ko na dati'y mag-aabroad yun pala ay iniwan na kami dahil meron ng ibang asawa ang tatay ko. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa mga ginawa niya sa amin ng mama ko at hindi ko na rin siya tinuturing na aking ama.

Naging tahimik ako at di masyadong nakikipag-usap sa iba dahil doon, lagi akong nagkukulong sa kwarto nila lolo at lola. Lalabas lang ako noon kapag kakain, maliligo, at papasok.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang aking mga luha, agad ko itong pinunasan baka kasi makita ako ng mga kaklase ko lalong-lalo na si George. Ayaw niya kasing may umiiyak sa kaibigan niya, kaya gagawa siya ng paraan para lang kulitin kami na sabihin namin ang problema namin sa kaniya.

"Mukhang may malalim kang iniisip ahh? Magshare ka naman!" Bumalik ako sa aking wisyo ng biglang nagsalita si George. Tulad ngayon, sabi ko naman s iyo ehh? Kahit kailan talaga, nakakabanas tong lalaking toh! Naku, buti na lang at kaibigan ko to kung hindi baka kung ano na ang nagawa ko dyan.

"A-ahh, wala." Ani ko na lang.

"Ano ba yan? Lagi na lang ganyan ang sagot mo! Hindi ba pwedeng iba naman? At saka, masyado kang matipid kung magsalita? Habaan mo naman!" Iritadong sambit niya sa akin. Bakit ba kasi hanggang sa pagsasalita ko ay pinapaki-alaman pa niya, ganto na talaga ako ehh? Nasanay na, wala ka ng magagawa pa!

"Gutom kasi ako!" Palusot kong sambit.

"Gutom lang? Ehh lagi ka ngang ganyan ehh? Ang galing mong magbago ng topic ahh? Ayos!" Naiinis niyang sabi sakin.

"Ayos ba? Sabi ko naman sayo expert ako ehh?" Mapang-asar kong sambit sa kaniya.

"Tsk! Mabuti pa nga't tara na! Punta na tayong canteen?" Tangi niyang sambit sabay hila sakin. Hindi naman ako nagpapigil pa sa kaniya at minabuti na lamang sumama para makalimot sa mapait na aking nakaraan. Tinawag niya na rin niya sina Clark at Margaret na agad ding sumama.




*****

Narito kami ngayon sa canteen habang kumakain at nagkukwentuhan. Samantalang ako ay tahimik at nag-iisip kung bakit hanggang ngayon ay wala pang nakukuha sa amin, halos mag-iisang linggo na rin ang nakakalipas. Pero mas okay na yun, kaysa pabawas kami ng pabawas. Pero kahit na ganoon, kinakabahan pa rin ako kasi siguro ay naghahanda siya ng mas thrill na gagawin para sa amin. Yun ang ikinakatakot ko na mmangyari.

"Hoy! Nakikinig ka ba?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si George.

"O-oo." Ani ko

"Sige nga? Ano yung pinag-uusapan natin?" Pagtatanong niya

"A-ahh, y-yung m-mga nangyari s-sa classmates natin?" Imbento ko na lang, aba malay ko ba kung ano ang pinag-uusapan nila?

"Tssk! Tignan mo na? Kanina pa kami dito nag-uusap! tapos ikaw, nakatulala? Aber, kanina ka pa ganyan ahh? Ano bang nangyayari sayo?" Aniya habang nakakunot ang noo.

"A-ah, w-wala yun." Maikli kong tugon

"Ano ba kasi ang problema mo!" Nagugulumihanan niyang tanong.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Seryoso kong sambit

"A-ang weird mo huh?" Tangi niyang sagot

"Guys, ano na yung sa project natin, bukas na yun ipapasa ahh?" Pagbabago ni Clark sa usapan.

"Ako na bahala dyan, tayo na't bumalik. Late na rin tayo ng 5 minutes ohh?" Sabi ko sa kanila habang nakatingin sa aking relo.

"Yoooowwnn sana!" Biglang sagot ni George. Talaga namang taong toh, napakatamad.

"Tara na nga!" Sabi ni Margaret

Habang kami'y naglalakad, hindi maalis at laging pumapasok sa aking isipan at halos sariwa pa ang mga nangyari sa aming mga kaklase. Hindi ko lubos maisip na ang tatlo agad sa amin ang mawawala ng ganun-ganun na lang. Iniisip ko rin kung bakit nangyayari samin ang ganitong sitwasyon at isa sa mga nagbibigay sakin ng tanong ay kung bakit parang kay George ang puntirya ng master mind, tignan nyong mabuti huh? Nung first mission, diba ang kinuha ay si Allison at Liza. Take note: si Liza is cousin ni George, right? Then, yung second mission naman, diba ang kinuha ay si Stacy, Mark, and Mike. Take note again: si Mike naman ay kapatid ni George, right? Ohh, diba parang kay George lahat? Pero ang ipinagtataka ko lang ko is kung bakit kami nasama sa ganitong sitwasyon. Hindi ko napansin ang aking dinaraanan at bigla akong natalisod.

"Hahahah! Ang tanga naman ng bato!" Tumatawang sambit ni George. Sira ulo talaga toh! Yan ang kaibigan, pagtatawanan ka kapag nakamali. Bwiseet!

"Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ni Margaret habang pinipigilan ang pagtawa.

Grabe sila sakin ahh? Buti na lang may kakapi ako, buti na lang di nag...

"Hahahaha! Okay ka lang ba?" Tumatawang sabi niya habang tinatapik ako sa balikat. Akala ko kakampi yun pala pinipigilan lang din ang pagtawa. Ayoko na sa kanila, Bwiset!

"Ano! Tatawa na lang ba kayo dyan?" Ani ko habang nagkakamot ng aking ulo dahil sa kahihiyan. Tanging tawa lang ang kanilang sagot. Umalis na ako at inawan sila doon sa halip ay nagmadali na akong pumunta sa room dahil 10 minutes na ang late ko sa next subject namin.

***

Please Vote and Comment! Thanks for your cooperations! ^_^

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon