Chapter 20: Crime 3 - The Car 2

278 20 9
                                    

(3rd Person P.O.V.)

"Hu-huwag kang mag-alala! Nandyan na ko!" Sigaw naman ni Josh at agad na pinuntahan ang kaibigan.

"J-josh! B-bilisan mo! A-ayoko ko na sa lugar na to!" Nagpupumilit na sigaw ni Jake.

"Oo, p-pangako... aalisin kita dyan." Tugon naman ni Josh.

Mabilis na tumakbo si Josh sa kinaroroonan ni Jake. Nang makarating na siya sa kinalulugdan ni Jake, agad naman niyang binuksan ang pinto ng kotse.

"T-tara na, u-malis na tayo dito!" Sabi niya kay Jake.

Pinipilit umalis ni Jake sa kanauupuan niya ngunit hindi siya makaalis at sa halip ay nakakaramdam ito ng pagkirot ng kaniyang likuran na agad namang napansin ni Josh.

"H-ha! A-ano yan? H-huwag mong s-sabihing..." Naputol ang kaniyang sasabihin dahil sa kaniyang nalaman.

"Josh! T-tulungan mo ko!" Umiiyak na sambit ni Jake habang si Josh naman ay pawang nabigla at nabato sa kaniyang kinaroroonan dahil sa kaniyang nasaksihan.

"N-ngunit, p-pa-paano naman k-kita maililigtas dyan kung ganiyan ang sitwasyon mo?" Nanginginig na wika ni Josh.

May bigla namang tumawa at iyon nga ay ang nasa screen.

"May magagawa ka pa kaya?" Mapanurang sambit ng nasa screen.

"T-tumahimik ka!" Sigaw ni Josh.

"Nasaan ako? T-tu-tulong!" Biglang sigaw ni Roman nang magising siya.

"T-tito?!" Sarkastikong sambit ni George sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan pa ng mabuti ang kaniya tito dahil hindi pa siya sigurado.

"Whooah! Sa wakas at kompleto na rin sila." Sabi ng nasa screen.

"A-ano ang g-gagawin mo?!" Sarkastikong tanong ni Tristan.

"Salamat naman at naging kompleto na rin kayo! Kailangan ko lang naman i-explain sa inyo ang directions para sa ating game. Madali lang naman ehh." Sabi nang nasa screen at ito'y huminto panandalian. Hindi naman magawang sumagot ng buong klase dahil na rin seryoso ito at parang inaabangan ang sasabihin ng nasa screen. Habang ang mga kaibigan nila ay pawang nahihirapan na at sigaw na lang ng sigaw. Agad namang itinuloy ng nasa screen ang kaniyang sasabihin.

"Okay! Ang purpose ng car na yan ay napakahalaga para sa kanilang buhay. Magsisimula iyon kay Jake. Aabutin niya lang naman ang susi na nasa kaniyang harapan, sa may part ng basag na window na yan! syempre hinding-hindi mawawala ang twist sa laro ko. Habang inaabot niya ang key, nakadikit naman ang kaniyang likuran sa driver seat, sinadya ko iyon para naman ganahan kayo sa panonood, diba?
Mayroon naman siyang 1 minute para maabot ang susi na iyon, mahaba-haba na rin yon! Pero yun nga lang, kapag hindi niya nakuha ang susi... dun na magwawakas ang buhay nilang tatlo. At...well? I'm a winner again!" Pagpapaliwanag ng nasa screen na ikinabahala ng lahat.

"H-hi-hindi!" Sambit ni Josh dahil sa takot na mawala ang kaibigan. Nangingilid na rin ang mga luha nito.

"T-tulong! A-a-ayoko pang mamatay! Please, tulungan nyo ko!" Paulit-ulit na sigaw ni Angel at iyak ito ng iyak.

"A-angel!" Sambit ni Troy.

"Are you ready?" Tanong ng nasa screen.

"N-nooo! H-hindi! Please... H-huwag!" Pagmamakaawa pang sigaw ni Angel habang ang kaniyang kasamahan ay nagpupumiglas sa kanilang kalagayan.

"Please, huwag mo na lang ituloy!" Malakas na sigaw ni Candy habang ito'y umiiyak.

"T-tigilan mo na kami!" Sigaw din ni Jade.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon