(3rd Person P.O.V.)
"G-guys! Mabuti pang magsama-sama na lang tayong lahat?" Suhestiyon ni Josh.
"Kung magsasama-sama tayo... mahihirapan tayong mahanap sila?" Tugon naman ni Chelsea.
"Mas okay kasi yun para hindi na tayo magkahiwa-hiwalay!" Sagot ni Josh.
"Okay nga ang naisip mo, ang kaso... matagal nating mahahanap sila kung magsasama-sama tayo?" Tugon naman ni Sam.
"Kaya la---" Naputol ang sasabihin ni Josh ng biglang nagsalita si Andrew.
"Huwag mo na kasing ipagpilitan yang desisyon mo!" Salita ni Andrew na ikinainis ni Josh.
"Mas okay nga ang nai----" Naputol na naman ang sasabihin niya nang bigla namang tumunog ang phone ni George na kumuha sa atensiyon ng lahat.
Katahimikan ang namayani sa park, ni isa ay walang nais na magsalita. Pawang nakatingin lang ang mga kasamahan ni George sa kaniya na para bang sinasabi na tingnan mo na? Sino yang nagtxt? Naging seryoso din ang kanilang mukha na agad namang nagpakuha kay George ng curiosity na tignan kung sino ang nagtxt. Agad niyang kinuha ang phone niya sa kaniyang pocket at agad ding binasa.
From: Unknown Number
Hello again!
Are you already know who is the other one?
If yes? Just go on parking lot!
If no? I don't think so, haha
I'll give all of you 1 hour to go in parking lot!
If all of you are late...
I'm so sorry, you can't see your classmates and your..... Secret!
So, good luck!
The Timer start now!See yah!
-MasterMind
"H-hindi! Where! Where is that f*cking place! Tell me!!" Sigaw ni George sa kaniyang phone habang naiiyak na naman at pinagdidiinan ang bawat salitang inilalabas niya.
"Bakit George, anong problema?" Biglang tanong ni Clark.
Halos lahat ng kasamahan niya ay nakatingin lamang sa kaniya at hinihintay na magsalita siya.
"G-guys! K-kailangan na nating magmadali ngayon!" Biglang sigaw ni George.
"G-george! Ano na naman ba ang nagyayari?" Sigaw naman sa kaniya ni Diana.
"M-mabuti pa't k-kayo na lang ang magbasa." Tugon ni George at iniabot naman ang kaniyang phone sa mga kasamahan niya.
Agad naman kinuha ni Nelson at ito'y binasa sa lahat.
"Ano!" Sigaw ng lahat dahil sa pagkabigla.
"K-kailangan na nga nating magmadali!" Sigaw pa ni Tristan.
"P-pero, saan namang parking lot yun? Napakaraming parking lot dito!" Wika ni Xiara habang natataranta na.
"Oo nga, saan natin sila mahahanap?" Tanong naman ni Clarissa.
"I-ilang minutes na lang ba?" Biglang salita naman ni Troy.
Agad naman tinignan ni Nelson kung anong oras nagtxt.
"12 minutes na ang nakakalipas bago siya magtxt! May 48 minutes na lang tayo para hanapin ang parking lot na iyon?!" Tugon naman ni Nelson.
"Tara na! Kailangan na nating magmadali! Lalo pa't napakaraming parking lot ang hahanapin natin!" Bigla namag sigaw ni Jade.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...