Hello, Crimers!! It's been a long weeks without UD, sorry! Sorry sa mahabang paghihintay. Don't worry, this time... Magbabasa na kayo.
So, happy 9K reads na sa atin!! Thank you so much! Specially, sa mga readers na patuloy na nagbabasa at nagtitiyaga sa UD ko.^_^
Lastly, huwag sanang malilito. Shifting ang magiging POV ng 3rd person dito. Yun lang.. :) Enjoy reading!!*****
(Third Person's POV)
Matapos mamatay ang ilaw, nagsigawan na ang lahat at halos nagpapanic na sila. Ang iba ay hindi na nagdalawang isip pa at sa halip ay mabilis na tumakbo at nagkaniya-kaniya ng tago.
Ang iba ay tumakbo sa labas ngunit sila'y bumalik ng mapagtanto na silyado nga ang buong paligid ng mansion.
Tatakbo na sana si Jade ng bigla siyang tawagin ni Sam.
“Dito tayo, Jade!” Pagsigaw ni Sam. Agad na hinawakan ni Sam si Jade sa kamay at hinatak ito palayo sa mga nagtatakbuhang kasamahan.
Pagtataka ang kumurba kay Jade ngunit naglaho rin ito ng makaramdam siya na magtatago lang pala sila. Ngayon na lamang naulit ito, na magkasama ang magkaibigan. Hindi i-expect ni Jade na mauulit ang guato niya. Na makasamang muli ang kaibigan na si Sam.
Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng mansion at nagpunta sa ikatlong kwarto.
Napagdesisyon sila na huwag ng i-lock para naman hindi masyadong halata na sila ay nagtatago roon.Naghiwalay sila ng direksyon para maghanap ng mapagtataguan. Nagtago si Jade sa ilalim ng kama, samantalang si Sam naman ay sa wardrobe.
“Ugh! This is not a great idea!” Bulong ni Jade sa sarili na hinihingal pa at kinakabahan habang isinisiksik ang sarili sa ilalim ng kama.
~~~~~~~~~
“Mom! Where we going? Kinakabahan na ako. Ayoko na dito. Alis na tayo!” Pagsusumamo ni Maureen sa ina. Ni hindi rin magkandaugaga si Maricel sa kakaisip kung saan sila pwedeng magtago.
“Shhhh! Shhh! Huwag kang magulo anak. Maririnig niya tayo. Basta, makakatakas tayo dito. Sumama ka muna sa tita mo. Amm. Annalyn, ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Sige na, magtago na kayo. Kami na ang bahala kina nanay at tatay.” Sabi ni Maricel.
Ayaw mang iwan ni Annalyn ang kasamahan, ngunit hawak niya si Maureen at ito lang ang tangi niyang magagawa sa ngayon... Ang mailigtas at malayo kay Melen ang bata o sila. Tumango na lang si Annalyn at mabilis na tumakbo kasama si Julius.
“Nay. Tay! Tayo na! Kailangan nating magtago. Hindi na ligtas dito.” Sabi ni Maricel sa kaniyang magulang. Inalalayan naman siya ng kaniyang asawa at sila'y nagtulungan para maihatid sa ligtas na lugar ang magulang.
Nagtungo sila sa stock room. Maraming gamit doon na mapagtataguan at sa tingin nila ay safe sila dun kaya dali-dali silang nagtungo dun.
Nang makapunta sila, nakita nila ang ibang estudyante na naroon ngunit tatlo lang ito. Sina Josh, Andrew at Clarissa na balisa ng nagtatago.
Sumukob na lang sila sa kurtina at mga telang nakatakip sa lahat ng gamit upang hindi sila makita o mahalata.
~~~~~~~~
“T-tita. Bakit natin iniwanan sila? Paano kung mahuli sila? Baka patayin sila ni yaya Melen.” Umiiyak na sambit ng bata.
Naglalakad sila sa ikalawang palapag at naghahanap ng pwedeng pagtaguan.
“Mau, ayoko mang iwan sila, pero for the sake of your life... Kailangan nating gawin yun.” Malungkot na tugon niya.
“Atsaka Maureen, hwag kang mag-alala. Sigurado akong walang makukuha sa atin o kina tita Maricel. Kaya, huwag ka ng umiyak. Magiging ligtas sila.” Sambit ni Julius at hinagod ang likod ng bata.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horor†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...