(Someone's POV)"Okay na po ma'am. Successful po ang pagkuha namin sa unang target. Paano po sa ikalawang target?" Sabi ng nasa kabilang linya.
"Good! Hintay lang kayo ng signal ko. Mabuti pang dalhin niyo muna yang kalat na yan doon sa sinabing lugar ni ma'am. Bilisan niyo! Gagawa ako ng paraan para makuha ang pangalawang target!" Sigaw ko sa kanila at agad na pinatay ang telepono.
"Anong gagawa ka ng paraan para makuha ang pangalawang target? Tungkol saan yun?" May nagsalita sa aking likod na akin namang ikinabigla. Tumingin naman ako sa aking likod at nakita ko si Candy. Mukhang magandang pagkakataon ito para sa akin. Madali lang itong makuha. Just watch me!
"Ah-eh, oo. Ang katunayan nga niyan ay kailangan ko ng tulong para makuha ko ang tinatarget naming rate sa company ng tita ko. Actually, yung una kasi naming target ay na-achieve na namin, syempre, kailangan naming makuha ang 2nd target, which is ang maging kauna-unahang company sa buong pilipinas. Naghahanap ako ng pwedeng makasama. Pwede ka ba? Kung okay lang naman, hindi ito sapilitan ha?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Mukhang nage-gets naman niya ang sinasabi ko dahil tumatango siya.
"Ano naman ang magiging role ko dun?" Pagtatanong niya.
"Ah, yun ba? Hindi pa ako sigurado dahil sabi ng tita ko... Kung nakahanap na ako, papuntahin ko na lamang sa office niya." Nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Ganun ba? Mukhang nakaka-excite. Matagal ko na kasing gustong makasali o mapabilang sa isang company. Siguro, magandang opportunity ito para sa akin. Oo, gusto ko. Pumapayag na ako." Masaya niyang sagot sa akin habang magkahawak ang kaniyang mga kamay na parang nagdarasal.
"So, tara na! Punta na tayo ngayon? Mukhang excited ka na magsimula eh?" Sabi ko sabay halakhak.
"Sige!" Sigaw niya na kumuha naman sa atensyon ng lahat.
"A-anong meron!?" Biglang tanong ng iba.
"Sabihin na lang natin na 'nakapasa ako'?" Sagot ni Candy sa kanila.
"Nakapasa saan?" Pagtataka ni Jade.
"Basta! Wala ka na dun! Tara na nga, qczgxj!" Sagot niya habang nakatingin sa akin at nauna ng umalis ng class room.
Lintek na babae toh. Tignan lang natin hanggang mamaya kung matutuwa pa siya. Excited pa ang luka. Ano? Excited mamatay? Ito ang gusto ko, hay! Sa wakas, makakakita na naman ako ng may mamamatay. Magiging masaya to!
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Terror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...