Chapter 27: Betrayer

256 20 5
                                    



(P.O.V. Diana)

FLASHBACK:

"SURPRISE! Happy Birthday, Chelsea!" Sigaw naming lahat nang makapasok na si Chelsea.

Medyo malapit nga pala ako sa may part ng pintuan habang katabi si Troy. He is my ultimate crush. Matagal ko na siyang gusto but, ang puso ko ay hindi pa rin tumitigil na bitawan siya. Kahit na, di niya ako pinapansin, ewan ko ba kung bakit ganito na lang katanga ang puso ko?

Pero, parang manhid naman siya. Lahat na nga ng pagpapakipot, panghaharot at pagpapapansin ang ginawa ko ngunit wala siyang pake. Ofcourse, being a Diana... atapang atao? Hindi ako sumusuko. Hangga't kaya kong landiin siya, gagawin ko. Pangit man sabihin, wala na kayong magagawa? Wala naman akong magiging katapat lalo na't sa tingin ko ay wala ng may ibang gusto sa kaniya dito kundi ang napakagandang si Diana! It is me!

Nagulat naman si Chelsea sa surprise namin. Nakatingin lang siya sa paligid habang pinagmamasdan ang ginawa naming effort para sa birthday niya.

Napakalakas maka-child ng theme nitong surprise birthday. Sino ba naman ang gagawa kundi ang dalawang kagroup niya sa 'The Chubb's Squad' na sina Mia at Mj. Ang tatanda na pero kung mag-isip, parang mga bata. Wala naman kaming nagawa kundi ang sakyan na lamang ang gagawin nila.

May bigla namang nahagip ang aking paningin na nahulog sa bandang likuran niya. Dahil nga sa 'curiosity kills me', nilapitan ko ang papel na iyon.

"Oh, birthday na birthday mo, umiiyak ka? Dapat happy tayo ngayon! Diba? Let's celebrate the day of Chelsea!" Sabi ni Candy at nagsigawan naman sila.

"Ahh, tears of joy lang ito. Hindi ko naman kasi inaasahan sa inyo na gagawin nyo ang mga bagay na ito para sakin. Maraming salamat, guys!" Sabi naman ni Chelsea habang patuloy na umiiyak.

Humahanap ako ng tiyempo kung paano kukunin at lalapitan ang papel na iyon.

"Huwag mo nang isipin 'yun, ang mahalaga ngayon ay magsaya tayo, dahil birthday mo!" Masayang sambit ni Jade.

"Happy birthday!" Sabi nilang lahat.

At sa wakas, nakalayo na rin si Chelsea dahil hinatid nila Sam papuntang harapan. Doon na ako nagkaroon ng pagkakataon na kunin at tignan kung ano ang nahulog na bagay kay Chelsea.

Tumingin muna ako sa paligid ko bago tuluyang kunin iyon. Wala namang nakakapansin sa akin dahil lahat sila ay masayang nakatuon at nagkikipag-usap kay Chelsea.

Agad ko na iyong kinuha at tinignan kung ano ang meron. Nagulat naman sa aking nakita dahil nakalista ang lahat ng namatay mula sa mga kaklase namin at sa family? Kaninong family ito? Ahh, oo nga pala. Sila George ang tinutukoy dito dahil ang Roman na sinasabi dito ay ang kaniyang tito.

Dito na ako nanghinala kay Chelsea na siya pala ang kumukuha sa amin. Pero, bakit niya ito ginagawa? May kasalanan ba kami sa kaniya?

END OF FLASHBACK:



"Wala akong kasalanan! Hindi ako ang may gawa niyan. Bakit ako napagbintangan?!" Sigaw ni Chelsea habang umiiyak na. Sa pagkakataong ito, ayoko nang may mamatay pa sa amin. Ayoko nang may makitang nahihirapan at nagdurusa. Dahil, napakasakit. Napakasakit na nakikita mong unti-unti kayong nauubos... Inuubos ng master mind. Ayoko na ng patayan. Sawang-sawa na ako!

"A-a-ako?!" Pagtataka ni Candy.

"T-tama ka, ikaw na ang sunod at si M--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang napansin din ni Mj ang kaniyang pangalan.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon