Chapter 30: Crime 4 - Pixels (1/3)

285 21 11
                                    


(P.O.V. George)

Dumating na ang kinabukasan, halos wala akong tulog kakaisip kung ano na ang susunod na mangyayari. Hindi rin mawaglit sa aking isipan ang magiging kapalaran at kalagayan ng aking kapatid. Damn it! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nabantayan ko ng maigi si Eumee. Ang tanga ko!

Narito na ako sa dating hintayan namin ng aking mga kaklase, which is Park. Naghihintay lang ako rito, halos kanina pa nga eh. Ganiyan ang kaklase ko, talagang mga Pilipino... Pilipino Time nga, sabi sa kasabihan.

Mabuti na lamang ay nasabi ko na sa kanila kagabi na magkita-kita kami ng 8 sa Park. Ang iba, nagtaka kung bakit, kaya sinabi ko na ang totoo pero ang iilan naman ay "Sige! Anong oras ba?" mga excited pa ang mga luko't-luka. Hindi pa nga magawang maniwala ng iba sa aking sinabi, mas lalo na ang kaibigan ni Mj na sina Chelsea at Mia.

Nahawa nga ako sa pag-iyak nina Mia at Chelsea habang tinatawagan ko sila. Talagang mahal na mahal nila si Mj. Swerte si Mj dahil marami ang nagmamahal sa kaniya... May kaibigang nandyan para suportahan at bigyan siya ng pagmamahal.

Isa-isa ng nagdaratingan ang aking mga kaklase at sabi ko na nga ba eh, baka 9 pa kami makaalis dito. Lumipas ang takdang oras at sa wakas, dumating na ang reyna ng Pilipino Time, si Xiara. Lagi yang nahuhuli, ewan ko ba kung pabebe lang or what pero talagang nakakasura na. Pasalamat siya mabait ako. Joke!✌✌

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagmadali ng umalis. Malapit lang naman dito ang sinabi ng master mind na hayop na yun eh. Meron pa kaming natitirang walong minuto para takbuhin ang nasabing lugar.

Habang nasa biyahe, dala ko ang matinding kaba, takot at kilabot na rin. Hindi ko rin alam kung magagawa kong tignan ang kalagayan ni Eumee. Bwisit talaga yung hayop na g*gong master mind na yun! Walang awa! Mamamatay tao pa! Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na iyon at kung bakit nasisikmura niya ang ganoong eksena. Ang dapat sa kaniya sinusunog o ilibing ng buhay!

Nakaraan na ang ilang minuto, narito na kami sa lugar na sinabi sakin ng master mind. Nakakapagtaka dahil ang luma na ng bahay nito, maganda naman siya, malaki, kaya lang nakakatakot dahil nag-iisa lang ang bahay na ito.

"Guys?! Baka naman pwede na tayong pumasok at hanapin na sila?" Iritadong sabi ni Mia samin. Makikita mo ang pag-aalala sa mukha ni Mia.

"Tara na." Sabay-sabay naming sabi at tumuloy na sa loob.

Pagpasok namin, tumambad agad sa amin ang napakatahimik at napakadilim na loob nito. Tila ba walang katao-tao sa lugar na toh.

"N-nakakatakot naman! Parang ayoko ng tumuloy. Tara, uwi na tayo!" Biglang salita ni Josh.

"Aray! Sira ka ah?" Sambit niyang muli dahil siguro ay binatukan siya ni Andrew.

"Kalalaki mong tao, napakaduwag mo!" Sigaw sa kaniya ni Andew.

"Shhhhhh!" Sabi ni Nelson na nagpatahimik sa lahat.

"Can you hear that?!" Pagtatanong niya sa amin na nagbigay samin ng kuryosidad upang iyon ay pakinggan.

"Ano naman yu----" Naputol ang pagsasalita ni Lee nang bumukas ang TV at mayroon na namang manika ang lumabas doon.

"Welcome players!" May biglang nagsalita at kami naman ay napabalikwas dahil sa gulat.

"Hayop ka! Nasaan na sila?!" Malakas na sigaw ko.

"Wait a minute! Masyado ka namang atat. Maghintay ka lang dyan, relax!" Mapanura niyang sambit.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon