(P.O.V. George)
Mas pinili ko na ang hindi pumasok ngayon. Napakasakit sa pakiramdam dahil mula nung ibinurol si tito Roman ay nawalan na ng ganang mabuhay si tita Annalyn. Iyak lang siya ng iyak at ni wala pang tulog.
Pangatlong araw na ito pero nagbabantay pa rin si tita. Ayaw niyang hiwalayan ang kabaong ni tito. Nakatulala din ito at hindi mo na makakausap. Namimiss ko na ang dating tita ko... Yung masigla, masayahin, malambing, maharot at laging pinipisil ang pisngi ko. I miss her very much. Hindi ako sanay na malungkot siya, siguro nga ay dahil mas nasanay akong makulit siya.
Para may makausap naman si tita, pumunta ako sa kaniyang pwesto habang may dala-dalang isang tasang kape.
"Tita, kape po kayo?" Pag-aalok ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin, dahil hanggang ngayon ay nakatulala siya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang kasakit kay tita na mawala si tito Roman.
"T-tita?" Tawag ko sa kaniya. Mukhang nakahalata na siya dahil bumalik na siya sa wisyo.
"Kape po muna kayo? Gusto niyo po ba?" Pag-aalok ko sa kaniya ng nakangiti.
"A-ahh, s-sige. Itabi mo muna dyan. Salamat." Nakangiti niyang tugon sa'kin at bumalik muli siya sa dati.
"Sige po, nandito po?" Sabi ko habang ibinababa ang tasa sa lamesa na malapit sa amin. Nakatulala na naman siya. Sigh.
Pinagmamasdan ko lamang siya. Makikita mo sa kaniyang mukha na bakas ang lungkot, pighati, sakit at hindi pagtanggap sa pagkamatay ng kaniyang asawa.
Nakakahapis lang dahil ang laki at ang itim na ng eye bag niya, namumugto ang mga luha sa mata, at ang kaniyang katawan na dating malusog ngayon ay pumayat na.
"Tita?" Tawag kong muli sa kaniyang pangalan. Napalingon naman siya sa akin.
"Bakit." Walang gana niyang tugon.
"Ako na lang muna po ang magbabantay kay tito. Magpahinga na muna po kayo." Pag-aalala kong sambit.
"Kaya ko pa naman, Ge (je). Okay lang ako." Aniya. Namiss ko ang pagtawag niya sa akin nun, palayaw ko kasi ang Ge. Pero dahil sa ayaw ko, minsan hindi na niya sinasabi yun kundi buong pangalan ko na.
Halata kay tita ang panghihina niya. Matagal-tagal na din siyang hindi kumikilos o umaalis sa kaniyang pwesto.
"Kung ayaw niyo po, ikukuha ko na lang kayo ng makakain?" Pagtatanong ko.
"Salamat, pero busog pa ko." Wika niya.
"Tita? Tignan niyo po yung kalusugan niyo? Yung katawan niyo? Tatlong araw na rin po kayong walang kain at walang tulog? Ikakasama na po yan ng katawan niyo." Sabi ko. Ngumiti naman siya at saka nagsalita.
"Okay lang ako, George. Huwag mo akong alalahanin." Tugon niya sa akin habang ginugulo ang aking buhok.
"Pero, tita? Sa tingin niyo po ba ay gusto ni tito Roman na nagkaka-ganiyan ka? Sa tingin ko po kasi, ayaw niya na nalulungkot, nasasaktan at pumapangit ang asawa niya." Pagpapaliwanag ko. Mukha namang nakuha niya ang point ko dahil ngumiti ito. Yan ang gusto ko, yung bumalik na ang mga ngiti ni tita sa mukha.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...