(P.O.V. George)
"Ako nga pala si George Rein, 18 years old.
Description:
Mabait, maharot kung minsan, may pagkamakulit din, medyo sensitive nga lang pagdating sa mga bagay na tungkol sa family and close friends, matangkad 5'8, may pagkamoreno, palakaibigan, malakas ang appeal sabi kasi nila, masayahin, joker at syempre matulungin at responsible.
Ako rin pala ang tumatayong panganay sa aming apat na magkakapatid""Ohh George, kumain ka na at baka malate ka pa sa pasok mo?" Aya sa akin ni mama para kumain ng agahan.
Siya ay si Maricel Rein. Siya ang aking ina na maipagmamalaki ko dahil maituturing ko siyang pinaka mabait, pinaka masipag, pinaka responsableng Ina, pinaka ma-alalahanin, syempre pinaka maganda at higit sa lahat sobra kung magmahal at mag alaga, umaapaw. Kaya may pagkaclose kami ng mama ko kasi lagi ko siyang napapangiti at napapatawa para naman mawala yung stress nya, diba? Yun na lang ang tangi kong maigaganti para sa kabutihan niyang ginagawa sa aming magkakapatid.
"Ahh, Sige po ma, gisingin ko muna sina Eumee, Maureen, at Mike." Tugon ko sa kaniya at nagtungo na sa kani-kaniyang kwarto ng kapatid ko.
"Oy! Gising na! Aba, may pasok pa ahh?" Pasigaw kong sabi habang niyuyugyog si Eumee.
Si Eumee nga pala ang pangatlo sa aming magkakapatid. Mabait kung mabait ka sa kaniya, kalog, medyo payat nga lang siya at may pagkamataray rin tong babaeng to, hindi ko nga alam kung saan nag mana toh ehh. Hindi naman mataray si mama, hindi naman masungit si papa. Ewan ko ba? Basta ang laging panura ko sa kaniya ay ampon. Katuwaan lang naman yun.
"Wait lang naman! may 10 minutes pa ohh?" Pagrereklamo sakin ni Eumee.
"Aba mas marunong ka pa sakin ahh.Bahala ka dyan, wag mo kong sisihin Pag nalate ka huh?" Nakasimangot kong sabi sa kaniya. Tuluyan na akong umalis at nagtungo naman sa kwarto ni Mike.
Binuksan ko ang pinto, medyo napalakas yata ako ....
Nagulat ako nang buksan ko ang pinto at nakita ko si Mike na hinahawakan ang kaniyang noo na ngayon'y namumula. Dahil siguro na bigla at nadala ako sa nangyari kanina kay Eumee. Hindi ko tuloy napansin si Mike na Nauntog na pala siya sa may pinto...
"Aray ko naman kuya! Kakatulog ko lang, patutulugin mo na naman ulit ako? Nananadya ka ba? Sabihin mo lang? Magkakaalaman tayo! Umagang umaga susurahin mo ko huh? Pasalamat ka mas matanda ka sakin?" Inis na sabi sa'kin ni Mike.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...