(P.O.V. George)
Gumising ako ng maaga dahil maghahanda pa ako ng gagamitin para sa paghahanap kay Allison. Nagmadali na akong umalis ng bahay dahil ilang minuto na lamang ay mahuhuli na ako sa takdang oras na pinag-usapan. Sakto naman dahil paglabas ko ng kanto namin ay mayroong nakaparada na mga tricycle.
Naririto ako ngayon sa park at buti na lamang ay konti pa lang kami at hindi ako ang isa sa mga huli. Nagsisidatingan na ang iba, hanggang sa nakumpleto na kami. Naka-form kami ngayon ng pabilog para marinig na rin namin ang isa't-isa.
"Guys! Gaya ng pinag-usapan natin, mahahati tayo in 3 groups. Ang unang grupo ang mangunguna ay ako, kasama ko rito ay sina Josh, Lee, Jake, Mark, Jayvee, Angel, Clarissa and Chelsea. Ang ikalawang grupo naman ay pangungunahan ni Andrew, kasama niya rito ay sina Sam, Tristan, John, Xiara, Mia, Johanna, Candy and Ken. At the last group will be leading by Stacy, kasama niya rito ay sina Margaret, Jade, George, Clark, Mj, Diana, Troy and Joel. MAG-IINGAT KAYO! Hangga't maari, huwag kayong maghihiwalay." Pagpapaliwanag ni Nelson sa'min na may diin sa pagsasalita para kami ay maging alerto sa kung ano man ang mangyayari.
"Chelsea, Mia! Mag-iingat kayo huh? Pinaghiwa-hiwalay pa kasi tayo ehh." Malungkot na sigaw sa kanila ni Mj. Mahirap naman talaga kasi yun, dahil magkakaibigan sila tapos magkakahiwalay pa sila. Sira talaga si Nelson ehh, di niya nararamdaman yung feelings ng iba.
"Hayaan mo, mag-iingat ako!" Tugon naman ni Mia at ganun din ang sinabi ni Chelsea.
"Guys! Tama na nga yan! Kung hindi pa tayo magsisimulang maghanap ngayon, baka mahirapan na tayong hanapin si Allison! Please, makipagcooperate sana ang lahat!" Pasigaw naman na sabi sa kanila ni Andrew. Kahit kailan talaga tong lalaking toh! Tanging tango lang ang nagawa naming lahat sa kaniyang sinabi at nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit namin.
Nauna ng umalis ang grupo nila Nelson at sumunod naman ang grupo nila Andrew. Naiwan kami sa park dahil pinag-iisipan pa ni Stacy ang gagawin naming first move.
"Ay, request ko lang? Bakit di kaya tayo gumawa ng poster tapos magpa-print ng picture ni Allison then lagyan natin ng info about for her w/ our number, for the contact? Baka sakaling merong makakita o makakilala sa kaniya?" Pagpapaliwanag na sabi sa'min ni Jade. May point naman siya, bakit di namin subukan?
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Terror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...