Chapter 23: Calls

263 21 14
                                    


(George P.O.V.)

Lubhang nakakalungkot at nakakahapis ang naging kapalaran ni tito Roman. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi kay tita Annalyn ang tungkol sa nangyari kay tito. Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kaniya ang bagay na iyon. Pero, tama ba ang ginagawa ko? Ang hindi pag-amin at pagsasabi ng totoo? Ngunit, wala akong magawa kundi ang tumahimik na lamang dahil sa aking pananaw ay mas mabuti iyon para hindi mag-alala si tita.

"Hindi ka pa rin ba nakakarecover sa nangyari sa tito mo?" Biglang nagsalita si Nelson na ngayon nga ay tumabi sa akin. Nagulat naman ako sa kaniyang pagsasalita. Hindi ko namalayan na napapaiyak na pala ako.

"Di pa nga siguro." Tugon ko sa kaniya. Napakahirap naman talagang tanggapin na namatay na ang tito ko. Ang masakit pa doon, wala akong ginawa para mailigtas siya. Hindi ko man lang siya nailigtas para sa kapakanan ni tita Annalyn at para sa kanilang tatlong anak na sina Nick, Mick, at Rick. Oo, tatlo sila na pinagitnaan ang babae. Nakakatuwa rin dahil magkakamukha ang kanilang pangalan maliban lang sa unang letter. Mga bata ang mga iyan at kailangan pa ng aruga ng magulang pero hindi na iyon yung aruga na magiging kumpleto... dahil nawala na ang ilaw ng tahanan sa kanila. Mas lalo namang bumuhos ang aking luha.

"Okay lang yan, diba nga dapat ay maging matatag ka pa dahil ikatlong pagsubok pa lamang ito? Sigurado akong marami-rami pa ang nakahandang misyon sa atin ng Master mind na iyon." Wika niya. Tama nga siya, pero mahirap talaga eh. Lalo pa't isa sa mga mahahalagang tao ang nawala sa akin. Ang sakit talaga!

"Okay." Walang gana kong tugon sa kaniya.

"Sige na, maiwan na muna kita dyan... may bibilhin lang ako at kailangan ko na ring maghanda ng mga dadalhin natin. Basta maging matatag ka lang, huwag agad susuko!" Sambit niya habang nakangiti sa akin. Napangiti rin naman ako dahil doon pero iyong ngiti na ito ay peke. Paano nga ba? How can I get to be brave? Paano?!

"Okay ka lang ba?" Biglang sabi ni John. Nandito na pala siya, ang tagal niya. Kanina ko pa sila hinihintay ni Clark ehh.

"Hindi nga ehh. Mukhang kailangan ko ng masasandalan at kailangan ko rin ng payo para makalimutan ko ang mga nangyari at makarecover." Malungkot kong sabi sa kaniya.

"Ay! Mukhang hindi ako ang hinahanap mo para dyan. Alam mo namang hindi ako marunong pagdating sa larangang iyan." Nakangiti niyang sambit.

"Oo nga pala. Nasaan na ba ang taong iyon?" Sabi ko na kaniya namang ikinainis.

"Ganyan naman tayo ehh? Ang tunay na kaibigan, iniiwan! Ang sakit naman nun." Nakayuko siya habang sinasabi ang salitang iyon.

"Hindi naman sa ganun---" Naputol ang aking sasabihin ng biglang dumating si Andrew at ito ay nagsalita.

"Okay na ba ang lahat? Kompleto na ba tayo?" Pagtatanong niya.

"Si Clark, wala pa. Hintayin na lang natin kahit mga limang minuto lang." Sabi ko sa kaniya.

"Anong oras na kaya? Itxt mo na lang kaya na sumunod siya." Naiinis niyang tugon sa akin. Kahit kailan talaga tong lalaking to.

Agad ko namang kinuha ang aking bag at dinampot dito ang aking phone. Dali-dali kong dinayal si Clark upang tawagan.

Ring lang ito ng ring.

"Ayaw naman niyang sagutin ehh?" Sambit ko.

"Tara na! Mauna na ta---" Naputol ang sasabihin ni Joel nang biglang dumating si Clark na habol-habol ang hininga.

"Anong nangyari, Clark?! Bakit ang tagal-tagal mo?!" Inis na sigaw ni Andrew.

"Sorry, guys. Ang traffic kasi ehh? Pasensiya na." Tugon ni Clark habang nangingiti.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon