Happy 4k reads guys!! Thank you talaga!! ^_^
Enjoy reading!
****
(3rd Person's P.O.V.)
"Ano may nakita na ba kayo dyang daan?" Tanong ni Nelson kina Clark at Margaret. Wala na silang inuubos pa na oras para makahanap ng paglalabasan. Para mapabilis ang kanilang paghahanap, minabuti nilang bumuo ng grupo. Kahit man gabi, hindi sila huminto sa paghahanap. Talagang despirado na silang lahat na makalabas sa naturang lugar.
Group 1 - Nelson, Margaret, Clark, Sam, Diana, at Joel.
Group 2 - Andrew, Josh, Tristan, Xiara, Jayvee at Ken.
Group 3 - Troy, Jade, John, Chelsea, Clarissa at Lee.
Group 4 - Annalyn(Aunty), Maureen(younger sister), Julius(cousin), Maricel(mother), Reynald(father), Grace(Grandmother), at Antonio(Grandfather).
Mas pinili talaga nila na maraming tao kada grupo para masigurado nila ang kaligtasan ng bawat isa. Samantala, hinayaan na lang nila ang buong pamilya ni George ang magkagrupo dahil na rin ito ang napagpasiyahan ng pamilya.
"Wala naman kaming makita rito eh." Tugon naman ni Margaret kay Nelson. Nasa garden sila ng mansion at tinitignan nila ang bawat sulok at pader kung meron bang secret passage. Pero wala silang nakita na kahit na ano.
"Nelson? Nakakahaggard na itong ginagawa natin. Medyo inaantok na rin ako, pwede bang makatulog na? Bukas na lang natin ito ituloy. Meron naman tayong natitirang time eh?" Sabi ni Sam. Kanina pa kasi sila lakad ng lakad sa garden. Napakadilim na rin at wala ng makita kaya naisipan na ni Sam ang matulog na lang.
"Wait lang! Iche-check ko lang tong part na to tapos aalis na tayo." Tugon ni Nelson sa mga kasama.
"Nelson, pwede bang mauna na ako? Ang dami na rin kasing lamok, tingnan mo oh? Puro kagat na ko?" Sabi naman sa kaniya ni Diana.
Napasimangot naman ng palihim si Nelson sa mga inaasta ng kaniyang mga kasama. Para bang nagsisisi siya na sumama sa grupo na iyon dahil puro tamad ang kaniyang mga nakasama.
Huminga muna ng malalim si Nelson para magrelease ng bad vibes. "Sige na nga. Mauna na kayo. May titignan lang ako dito saglit." Pagkasabi ni Nelson nun ay ang tulin naman na pagpasok ni Sam at Diana sa loob ng mansion
Nalilito at naguguluhan tuloy si Nelson dahil iniisip niya kung aware ba sina Sam at Diana sa mga nangyayari sa kanila. Inuunti-unti na silang patayin pero wala pa ring pakialam at nababago sa katamaran nilang dalawa.
~~~~~
"Guys! Sa tingin niyo, sino kaya ang gumagawa nito sa atin?" Seryosong tanong ni Xiara sa kaniyang mga kasamahan.
"Hindi pa ako sigurado kung siya nga iyon." Tugon sa kaniya ni Jayvee.
"Sino naman yu----" Hindi pa tapos ang sasabihin ni Xiara ng biglang sumabat si Andrew.
"Pwede bang tigilan niyo ang topic na yan! Xiara, itigil mo na yang pagtatanong mo!" Saway sa kanila ni Andrew.
"Tara na nga! Mabuti pang tumulong na tayo sa paghahanap. Sila halos kanina pa ng hahanap tapos tayo hindi man lang tumutulong? Tama na muna yang mga chismis niyo! Mas mahalaga ang makalabas tayo sa f*cking place na ito!" Sabi ni Tristan sa kanila. Naririndi kasi siya sa kaniyang mga naririnig sa kasamahan.
"Oh, ano pang hinihintay natin? Tara na! Bilisan na nating maglakad!" Suhestiyon ni Ken.
Pumasok naman sila sa loob ng mansion. Pare-parehas silang nagulat sa nakita sa loob ng mansion. Napakalaki nito at ang kataka-taka ay kung bakit ni isang gamit ay wala.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...