(3rd Person P.O.V.)
Kasalukuyang nakaupo at wari mo'y nag-iisip ang dalawa ng paraan kung paano sila makakalabas sa lugar na iyon, habang patuloy pa rin sa pagluha si Jake dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na isa siya sa mga mamamatay.
"Jake, pwede bang lakasan mo ang loob mo? Paano tayo makakalabas dito kung ganyan ka kahina?! Kung gumawa na kaya tayo ng plano para makawala at makalabas dito?! Hindi yang iyak ka na lang ng iyak!" Biglang sigaw ni Angel kay Jake.
"Alam mo! Huwag mong ipakita na malakas ka! Crying doens't mean your too weak! Your every tears is a sign that your brave enough! Darating talaga tayo sa point na babagsak ang mga luha natin, gaya ko!" Sagot naman ni Jake na ikinayuko ni Angel.
Bigla na lamang tumahimik ang paligid. Ni isa sa kanila ay walang balak magsalita. Hanggang sa lumalalim na ang dilim at kumakalat na ang dilim sa loob ng parking lot na halos di na nila makita ang isa't-isa.
"J-jake?" Pagbasag ni Angel sa katahimikan.
"Why?" Tugon naman niya.
"H-hindi na ba ta---" Naputol ang sasabihin ni Angel nang mayroon silang narinig na may paparating.
"J-jake? Naririnig mo ba ang naririnig ko?" Mahinang bulong ni Angel habang dinig na dinig niya ang yapak ng mga paa.
"Shhhh. Oo, huwag kang magulo!" Pabulong na sagot ni Jake.
Umakto ang dalawa na pawang natutulog sa sahig habang pinakikiramdaman ang paparating. Palakas na ng palakas ang yapag dahilan para simula ng kabahan ang dalawa dahil alam nila na malapit na ito sa kanila.
"Isama mo dyan! May pulso pa naman yan? Itali mo!" Sigaw ng isang lalaki at agad na ibinagsak ang lalaking hawak nila na walang malay. Agad din namang tinalian at umalis ang tauhan.
"S-sino to?" Tanong ni Angel nang magtungo siya sa taong walang malay.
"J-jake, t-tignan mo ito!" Muli niyang tanong. Agad namang lumapit si Jake.
"A-anong nangyari sa kaniya?" Bigla tanong ni Angel.
"Sa kalagayan niya ngayon... Mukhang nilamog yata?" Tugon ni naman ni Jake.
"Binugbog?!" Sarkastikong tanong ni Angel.
"Pwede" Sagot naman ni Jake.
"Siguro nga? Kung titignan natin ang mga sugat na natamo niya? Pero, bakit ang dami niyang gasgas sa braso at binti?" Tanong ni Angel.
"Ou nga noh? Binugbog lang ba talaga?" Wika ni Jake.
"Hindi naman yata binugbog si kuya ehh? Mukhang... Sinagasaan?" Sambit pa ni Angel.
"Maybe!" Maikling tugon ni Jake.
~~~~~~
"Jake, please naman... sagutin mo!" Naiinis na sambit ni Josh habang patuloy na tinatawagan si Jake.
"Bakit anong problema?" Biglang tanong ni Andrew.
"A-ahh? W-wala!" Maikli niyang tugon.
"Wala!? Bakit parang balisa ka dyan?" Sarkastikong sagot ni Andrew.
"Ehh... Kasi..." Sambit niya habang kamot-kamot ang ulo.
"Kasi?" Tanong naman ni Andrew.
"Kasi wala kayong project sa English? Yun ba ang pinoproblema mo?!" Pagpapatuloy pa ni Andrew habang nangingiti ng mapang-asar.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...