(P.O.V. Chelsea)
Naging mahirap ang pagtanggap namin sa pagkamatay ni Johanna, hindi ko akalain na magagawa niya ang pagkitil sa sarili niyang buhay.
Inaasahan ko rin na maabutan niya ang birthday ko dahil ngayon ito. Sayang nga lang dahil hindi siya umabot. Ito na siguro ang pinaka-worst na birthday ko.
Nandito lang kami sa room at ang iba ay nagkukwentuhan lang samantalang ako ay ito, nag-iisa walang kasama dahil hindi pa dumarating sina Mj at Mia. Madalas kasi kung mag-battle ang dalawang iyon ehh, yung sumo?
Pero may isang bagay naman ang nagpapasaya sa akin... Gaya na lamang nung mga kinakain ko ngayon like chips, chocolates, breads, candy and water. Kahit na papaano, gumagaan pa rin ang pakiramdam ko.
Nakakapanibago ang aming room ngayon, parang kailan lang, kompleto kami at ang a-active pa ng ilan... Pero ngayon, naging malungkot at nawalan ng gana ang iba. Makikita mo rin ang bakanteng upuan. Upuan ito ng mga namatay... Bakit ba kasi kailangan naming maglaro para sa aming buhay? Sino ba ang master mind na iyon? Ang daming questions ang nabubuo sa aking isipan ngunit walang sagot rito. Mayroon ba kaming connections sa mastermind? Who is it? Who is that f*cking killer?
"Okay ka lang Chelsea?" Pagtatanong ni Josh na akin namang ikinasamid.
"K-kanina *cough* okay pa ko *cough*, p-pero ngayon *cough* hindi na!" Ubo lang ako ng ubo habang sinasabi ang mga iyon.
"A-ay, s-sorry. Ito tubig oh?" Sabi niya at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at agad na nilagok pero tuloy pa rin ako sa pag-ubo.
"Dahan-dahan lang kasi sa paglamon? At magbibigay ka naman, sino-solo mo lang kasi ehh?" Sambit pa siya habang ngumingiti.
"Kung makalamon ka naman? Parang sinasabi mo na masiba ako huh? Ano ba gusto mo mag-sumo tayo?" Tugon ko sa kaniya habang pinapatunog ang aking mga daliri.
"A-ah, kayo-kayo na lang nina Mj at Mia? Iniisip ko pa lang, talo na ko eh. Sige na, mamaya na lang. Maiwan na kita dyan." Wika niya na para bang natakot sa akin at tuluyan ng umalis sa harap ko. Anong sabi niya? Kami-kami na lang daw nina Mj at Mia? Luko yun ah! Dudurugin ko siya pag inulit niya yun. At kung lumaban siya sa akin? Hindi ko naman siya kakainin eh, pwera na lang kung gutom talaga ako? Heheh
Lumipas ang ilang minuto, naubos ko na ang aking kinakain... Kulang pa ang nakain ko dahil sumisigaw na naman si belly ko. Naisipan kong magtungo sa locker room to get some food because gutom pa ko.
Habang naglalakad, tina-try kong tawagan sina Mj at Mia. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa dalawang iyon. Birthday na birthday ko wala sila, um-absent sila. Nakakasura!
Nakakatampo lang dahil ni isa sa mga kaklase ko ay walang bumabati sa akin. Nakalimutan na ba nila ako? Sina Mj at Mia, mga tunay ko pang kaibigan pero wala sila ngayon.
Narito na ako sa locker room at minabuting kuhanin na ang mga natirang pagkain ko. Siguro ay ikain ko na lang itong iniisip ko, tutal naman... wala akong value sa kanila. You know? They don't have care for me.
Kinuha ko ang susi ng locker ko sa aking bag. Nang makuha ko iyon, excited ko pang binuksan ang aking locker. Bumungad sa aking ang mga iba't-ibang uri ng food na aking binili. Punong-puno ng pagkain ang aking locker at agad ko iyong kinuha lahat. Inggit ba kayo? Bili kayo! Ayokong mamigay, gutom pa ko eh.
Nang makuha ko na lahat ng aking pagkain, agad ko iyong kinandado. Nang papaalis na ako, may nahagip ang aking mga mata na isang papel na nakalawit sa locker ni Xiara. Dahil kuryosidad ang kumain sa'kin, kinuha ko iyon at agad na binasa.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...