Chapter 40: Is This The End?

184 17 9
                                    

Hi, Crimers!! Happy 10k reads po and counting!! Thank you so much!

Enjoy reading!!  ^_^

*****

(Third Person's P.O.V.)

Habang tumatakbo sina Jade at Sam, hindi pa rin mawala sa isipan ni Jade ang mga naganap kanina. Hindi siya makapaniwala na tinawag ni Sam na tita ang master mind. Ang dami na ring tanong ang gumugulo sa kaniyang isip.

Ngayon nga ay tulalang nakatingin si Jade sa kaibigan. Hindi niya alam kung kakampi ba o isang traydor ang sinamahan niya.

“A-aray!” Daing ni Jade matapos siyang madapa.

“Ano ba, Jade!! Nagmamadali na tayo! Pwede bang tumingin ka naman sa daan!!” Galit na sigaw nito kay Jade.

“Ikaw naman kasi eh! Pinapagulo mo ang isip ko! Ano ka ba talaga?! Sino ka ba talaga? Kakampi ka ba o isang traydor?” Pabalik na sigaw ni Jade.

Nagulat naman si Sam sa binanggit ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit lumalabas sa bibig ni Jade ang mga salitang iyon. Natahimik siya at hindi nakapagsalita.

“Ano? Tama ba ang iniisip ko? Na isang TRAYDOR. ang kaibigan ko??” Sigaw ni Jade ng may diin.

“J-jade, ano ba yang p-pinagsasabi m-mo?” Garalgal na sambit ni Sam.

“So, tama nga? Isa ka ngang traydor?! Pero, bakit?! Bakit mo nagawa ang bagay na yan?! Dapat pala ikaw na lang ang namatay at hindi ang mga kaklase natin!” Malakas na sigaw ni Jade sa kaibigan na ngayon ay napapaluha na.

“J-jade! Ano bang mga p-pinagsasabi mo? Please, naman! kailangan nating---” Hindi pa tapos ang sasabihin ni Sam ng muling nagsalita si Jade.

“Alam mo bang nagsisihan pa ang mga kaklase natin? Tapos, alam mo naman pala kung sino ang gumagawa nun pero di mo sinabi!” Sigaw nito.

“Oo, pero--”

“Pero ano?!” Naiinis ng sigaw ni Jade.

Hindi na naman nakapagsalita si Sam. Hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Balisa na siya ngayon at okupado pa ang utak sa mga nangyayari.

Hindi rin niya alam kung ipagpapatuloy ba niya ang pagpapaliwanag sa kaibigan o uunahing iligtas ang mga kasamahan.

“Alam mo, Jade? Isa lang ang tanong ko na dapat ay sagutin mo. Sasama ka ba sa akin o hindi?” Sambit nito ng kalmado.

“No!!” Mabilis na tugon ni Jade.

“Okay, I understand. Basta, babalik ako at mag-eexplain sayo. Pero, kailangan ko munang itakas ang mga kasama natin dito. kayo, ikaw... bago ko gawin yun. Sige, maiwan na muna kita. Mag-iingat ka!” Sambit ni Sam bago tuluyang umalis. Nagtatatakbo ito pababa ng hagdan at pinagmasdan lang ni Jade ang paglisan ng kaibigan.

Napaupo na lang si Jade sa lapag at nag-iiyak sa kaniyang tuhod na parang bata.

“A-ano ang nangyari? B-bakit?” May biglang nagtanong sa kaniyang likuran.

Napatingin naman siya rito. Nang makita niya kung sino ito, agad siyang tumayo at niyakap ito.

Umiyak lang si Jade habang nakayakap kay Margaret. Wala naman siyang nagawa kundi ang damayan na lang si Jade.

“A-ano ba ang nangyari? Bakit may naririnig kaming sumisigaw, ikaw ba yun?” Tanong ni Clark.

Humiwalay naman sa pagkakayakap si Jade at madaling pinunasan ang luha saka nagsalita.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon