(3rd Person P.O.V.)
"Allison or Liza." Muling ulit na sabi ni Nelson sa kaniyang mga kasamahan, mukhang di sila makapagdesisyon dahil buhay ang pamimilian nila.
"Wala na bang ibang choices!? Why we can't save both of them?" Malakas na sigaw ni Clarissa, ilang minuto na rin kasi ang nakakalipas ngunit wala pa rin silang magawang desisyon. Biglang tumakbo si Clarissa sa kinaroroonan ni Allison at sinusubukang tanggalin ang lubid na nakakabit sa kaniyang leeg.
"What the--- Papanuorin nyo lang ba ako at wala kayong balak na tumulong!" Muli niyang sigaw at doon pa lamang kumilos ang kaniyang mga classmates. Nahati sila sa dalawang grupo, ang isa ay kay Allison at yung isa naman ay tumutulong kay Liza.
"Guys! Paano naman natin sila matutulungan kung nakaposas ang mga kamay nila?" Sigaw sa kanila ni Lee.
"Jake, Jade, Jayvee, Xiara, Troy! Magtulong-tulong kayo para maghanap ng ilang piraso ng alambre para may ipangkawit tayo dito. Clark, Stacy, Mark, Angel, Josh! Magtulong-tulong naman kayo para maghanap ng kutsilyo o anumang matulis na bagay para maputol natin tong lubid na nakakabit sa kanila!" Ma-otoridad na utos ni Nelson sa mga ka-klase niya na agad namang mga sumunod sa kaniya.
"Nelson, hindi ito isang lubid! Makapal na copper wire ito na kinulayan ng brown na pintura." Sabi ni Ken sa kaniya. Tinignan naman ni Nelson iyon at tama nga si Ken.
"Guys! Sa tingin ko ay kakapusin tayo sa oras." Sabi ni Diana.
"Ano ba? Huwag ka ngang negative dyan! Dapat ay maging positive thinker tayo! Lalo na't nandito tayo sa sitwasyong nahihirapan na!" Sigaw sa kaniya ni Mia. Halos nangingilid na ang kaniyang luha at ito'y kaniyang pinipigilan.
"Tama siya Diana? Positive lang dapat tayo ngayon!" Pagsang-ayon naman ni Chelsea kay Mia. Biglang yumuko si Diana dahil siguro sa kahihiyan.
"Nelson, wala kaming nakita... pasensya na!" Sabi ni Jayvee na nakayuko ngayon.
"Huwag kayong tumigil sa paghahanap. Meron pa tayong 35 minutes, kaya pa yan!" Sigaw sa kaniya ni Nelson. Tango lang ang naiganti ni Jayvee at tuluyang umalis para muling maghanap.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horor†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...