Chapter 24: Johanna's House

248 20 2
                                    

(Author's note:)

Here's the update!
Happy ako dahil naka-1k reads na tayo!
Sana ay mas lalo pang dumami ang magbasa ng story na to!
Wish ko, bago man lang mag-epilogue ang story na to ay maka-5k reads tayo o mas higit pa roon. So, sana ay ma-achieved ko. Syempre, kailangan ko ng tulong ninyo.
It's highly appreciated by the author.
Maraming salamat, guys! Enjoy reading! ^_^

START!

(P.O.V. Mia)

"Tara na!" Sigaw ni Margaret at agad naman kaming sumunod sa kaniya.

Takbo lang kami ng takbo sa hallway. Kahit na maraming estudyante ang nandirito sa labas dahil nga break time na, wala kaming pakialam kung may mabangga kami, may masaktan kami, at iba pa. Sila naman ang kusang nagbibigay sa amin ng daan kasi nga sikat kami... sikat kami sa paaralang ito bilang mga killer. F*cked that term.

Nang makarating na kami sa labas ng gate, agad kaming pumara ng tricycle. Marami-rami naman ang nakaparada kaya okay lang na mag-isa-isa kami.

Habang nasa biyahe, hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang kinakabahan ako sa mga oras na ito. Para bang kumikirot ang dibdib ko dahil sa nangyari kay Johanna, hindi ko maintindihan. Bakit ganito? Sana naman walang nangyaring mas masama kay Johanna. Sana yung iniisip ko, hindi magkatotoo.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Agad naman akong bumaba at saka nagbayad.

Pagkababa ko ay biglang nagbago ang ihip ng hangin sa aming paligid. Gayon din ang aking pakiramdam. Mas lalo itong bumigat at mas lalong kumabog ang aking dibdib.

Nang makompleto na kami. Sabay-sabay kaming nagtungo roon.

(Ding Dong, Ding Dong)

Nakita namin ang isang matanda na lumabas sa may pinto at patungo na sa aming direksyon.

"S-sino sila?" Pagtatanong niya. Siguro, ito ang tatay ni Johanna dahil magkapareho sila ng ilong at ng mga mata.

"A-ahh, a-ako po y-yung tinawagan n-niyo kanina?" Pagsasalita naman ni Jade na akala mo ay parang nahihiya pa.

"Ahh, ikaw ba iyon? Nagulat ako sa iyo kanina dahil sinigawan mo ako?" Tugon naman nito at nangingiti pa.

"O-opo, a-ako nga po iyon. P-pasensiya na po ulit. Hindi ko po kasi alam eh. Sorry po." Sagot naman ni Jade habang nakayuko at nagkakamot ng kaniyang ulo. Kaya pala? ibig sabihin, ang sinisigawan ni jade kanina sa room at ang kausap niya ay ang tatay ni Johanna? kaya pala, parang nahihiya siyang sumagot kanina. Gets ko na!

"Okay lang, huwag mo nang isipin iyon. Oo nga pala, napansin ko lang... Lahat ba kayo ay mga babae? Wala kayong kaklase na mga lalaki?" Pagtatanong niya.

"May kinuha pong bangkay para ilib---" Naputol ang sasabihin ni Xiara nang takpan ang bibig nito ni Sam.

"Ahh-ehh, m-meron po. Nahuli lang ng dating?" Nakangiting tugon ni Sam habang inilalayo si Xiara.

"Ahh, ganoon ba? O siya, pumasok na kayo sa loob." Sabi niya at agad naman kaming sumunod sa kaniya.

"A-ano ba! Ang alat-alat ng kamay mo! Yuck!" Dinig kong pag-iinarte ni Xiara.

"Umayos ka nga Xiara! Hindi mo na dapat sinasabi ang mga bagay na iyon dito!" Naririnig kong bulong ni Sam kay Xiara ngunit galit na ito.

"Ehh, bakit mo kailangang ipakain ang kadiri mong kamay sa akin? Bastos ka!" Mukhang nag-aaway na ang dalawa.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon