(P.O.V. Jade)
“Ingat!” Sabi nila. Tango naman ang aking naiganti at tumuon na si destinasyon.
Nakita ko namang nauna ng pumasok si George at tila ba nagmamadali ito. Ano? Excited lang?!
Makikita mo sa mga mukha ni George ang pagkaseryoso niya ngayon. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na din. Samantalang si Mia, ayun nakipag-dramahan pa sa kaniyang kaibigan.
Narito na ako sa loob. Labag man sa akin ang aking desisyon but, for the sake of Candy... I'll do it. Friends kaya kami?
Wala akong makita rito sa loob, tila ako nakapikit. Kakapa-kapa lang ang aking ginagawa ngayon. Yung totoo, anong klaseng game to? Tagu-taguan lang ang peg?
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang bigla na lang akong nauntog.
“Sh*t! A-aray, ang tanga mo naman! Bwisit!” Bulong ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang aking noo.
Dahil sa inis, lumayo ako roon at sa halip ay nagsimula muling maglakad-lakad.
“Saan na ba ang pu---” Naputol ang aking sasabihin ng bigla na lang bumukas ang ilaw sa aking itaas. Bigla ring bumukas ang TV at mayroon itong mapa na malaki. Hindi ko alam kung para saan yun pero nung makita ko ang pixelated na mukha ni Candy, doon na ako nagkaroon ng idea kung paano gagawin ang laro.
“T-totoo ba to?” Tanong ko sa aking sarili. May bigla namang bumagsak na walkie talkie sa aking harapan. Buti na lamang at hindi ako natamaan nito. Distansya pa lang, sobrang lapit na.
Agad ko naman iyong dinampot at in-on. Nakaramdam naman ako ng lamig sa aking paligid, mabilis na pagtibok ng aking dibdib at ang takot na nararamdaman ko.
May naririnig akong umiiyak sa kabilang linya. Hindi ito nagsasalita at hikbi lang ang maririnig. Hindi kaya si Candy ito? Siguro nga si Candy to!
(T-tulong *sob please, t-tulungan niyo ko. *sob)
Pabulong na hagulgol ng nasa kabilang linya ang aking naririnig.
“C-candy?! I-ikaw ba yan?” Hesitant ko sambit.
(H-helloo!! Please, tulungan mo naman ako dito! Please! Please!!)
“Candy! Si Jade to! Buti naman, ang akala ko ay wala ka na. T-teka nasaan ka nga pala?” Masaya kong sabi.
(Dito sa loo--) Naputol ang kaniyang sasabihin ng mayroong lumabas sa screen na manika. Yung manika na laging nagpapakita sa amin tuwing may laro, tulad nito.
"Hello, representatives! Madali lang ang game natin ngayon. Wala kayong makikitang patayan na magaganap. Pero, matutupad lang iyon kung maililigtas niyo ang mga love ones niyo sa puzzle na kwartong kanilang kinalalagyan. Madali lang ang game natin, kailangan niyo lang naman silang papuntahin o tulungan na makapunta sa lugar na kinalalagyan niyo... But, here's the twists. First, kailangan munang mahanap ng mga players natin ang key para mabuksan nila ang pinto patungo sa inyo. And the last twist, will be the time limit. Bibigyan ko lamang sila at kayo ng five minutes to do that game. Pero.... Kung hindi niyo nagawa sa tamang oras, well? Magkita na lang kayo sa hell! Whahaha. Ano? Exciting diba? Let's our game... Begin!" Pagpapaliwanag ng sana screen. Bumalik naman na ulit sa mapa ang nasa screen at biglang nagsalita na si Candy.
(Hoy!! Kanina pa ako nagsasalita bakit ayaw mong sumagot... Jade!!!) Pagsusumigaw niya.
“Candy! Kailangan mo ng magmadali. Nagsisimula na ang kaniyang laro! Bilis! Punta ka sa kaliwa. Hangga't maaari, yung pinakamabilis mo na!” Utos ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Terror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...