(P.O.V. George)
Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Maureen upang makasiguro kung kaniya ba talaga ang poster na iyon. Kumatok ako sa may pintuan pero ayaw niya kong pansinin, ginawa ko na lang pumasok na ko.
Nakita kong walang tao, nagsimula na akong maghanap. Halughog dito, halughog doon. Hindi ko na makita kung saan niya iyon nilagay, napasinghap na lamang ako ng may narinig kong unti-unting bumubukas ang pinto dahilan para mataranta ako sa aking ginagawa.
"Kuya? Anong ginagawa mo rito? Atsaka bakit ang gulo ng kwarto ko?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin, di naman ako makapagsalita sa sobrang gulat. Paano ba naman binigla ako nitong babaeng toh.
"A-ahh, m-may hinahanap kasi ako at may kailangan na rin akong itanong sayo?" Putol-putol kong tanong sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo sa aking tinanong.
"Huh? Ano naman yun?" Nagugulumihanang tanong ni Maureen. Masisisi niyo ba ko? Naku-curious lang talaga ako ehh. At saka kailangan kong hanapin ang sagot sa na nabubuong tanong sa isip ko.
"A-ammp. Nasaan yung poster na ginawa mo?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot na naman ang kaniyang noo na para bang naguguluhan.
"Anong poster na ginawa ko ang pinagsasasabi mo? Kumain kana ba kuya?" Sagot niya sakin. Huh? Ibig sabihin hindi sa kaniya yun? Pero, bakit nakita ko sa room niya.
"Huh? Hindi mo gawa yung poster na merong message na 'are you ready to die?' At may design na para bang dugo na ipininta?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ikinabigla niya ang mga tanong ko sa kaniya.
"Kuya, masyado mo naman akong tinatakot? Hwag na nga lang natin to pag-usapan ngayon. Pwede naman bukas ehh.. Sige na, atsaka aayusin ko pa tong gamit ko na ginulo mo." Nangingiting sabi ni Maureen ngunit ito'y ngiting natatakot at pilit lang. Umalis na lamang ako sa kwarto niya at nagtungo na sa kwarto para makapag pahinga na rin dahil sa pagod.
Lalo lang dumami ang mga tanong na nabubuo sa aking isip. Sino naman kaya ang may gawa nun?(P.O.V. Liza Park)
Nagising na lamang ako na madilim ang aking paligid. Wala akong makita, basta napakadilim at ang nakakabinging katahimikan. Unti-unting nagkakaroon ng paglinaw ang aking mata at para yatang nasa isang bodega ako kasi parang luma na ang kwartong ito, maraming alikabok ...
Laking pagtataka ko kung bakit ako nandito. Ang huli kong natatandaan is...
Lumabas ako dahil may kumakatok, na ang akala ko ay si Julius pero nagkamali ako.(FLASHBACK)
Hindi ako makalabas ng bahay dahil nga sa aking sakit na iniinda. Nakahiga ako ngayon sa aking kwarto at pinipilit na makatulog. Tinatawag ko naman si Julius pero di siya sumasagot, siguro ay tulog na sya.
Nagdesisyon na akong bumaba at magtimpla ng gatas upang makatulong para sa aking pagtulog.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...