Chapter 33: Kidnapping

301 20 4
                                    

Happy 3K reads, guys!! Padamihin pa natin ang mga magbabasa nito!! Thank you..

****

(P.O.V. Chelsea)

"Ano na ba to? Talaga bang naggag*guhan ba tayo dito?! Laro na lang ba para sa master mind na iyon ang patay-patayin ang mga kaibigan ko?" Malakas na sigaw ko sa kanila habang lumuluha na. Nandito kami ngayon sa school. Dito kami dumiretso pagkatapos ng scene kanina. Lupaypay man ang aking buong katawan pero pinilit ko. I miss my bestfriends.

"Umupo ka nga muna, Chelsea! Huminahon ka!" Sabi sa akin ni Diana at tinutulungan akong umupo. Ngunit umiwas ako dahil siya ang dahilan kung bakit galit si Mj sa akin. Ni hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kaniya. Ni hindi ko man lang nasabi ang katotohanan sa kanila. At ni hindi ko man lang nayakap ng napakahigpit silanh dalawa.

"B-bitawan mo nga ako! Ang kapal din ng mukha mo noh?! Ano to?! Plastikan tayo! Hindi ako pinanganak na tanga, Diana? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa akin at samin? Ganun na lang ba yun?! Sinira mo ang pagkakaibigan namin! Hayop ka! Ganyan na ba katigas ang mukha mo, Diana?!! HA?!" Sigaw ko sa kaniya. Gusto ko man siyang sabunutan, sampalin, at kung ano-ano pa. Kaya lang, timpi ang ipinapairal ko hangga't maaari. Hindi siya nakapagsalita at sa tingin ko ay tama ang lahat ng sinabi ko sa kaniya dahil yumuko na lang siya.

"At yung sinasabi mong huminahon ako... Mukha bang sa pagkakataon na ito ay magiging mahinahon ako? Bestfriends ko ang namatay! Ang mas masakit pa dun... Hindi lang isa ang nawala, kundi silang dalawa pa! Sino na ngayon ang kakampi ko? Sino na ngayon ang pasasayahin ako? Sino na ngayon ang kaibigan ko? Yung kaibigang mabuti at mapagkakatiwalaan. SINO?!" Pasigaw at galit ko ng sambit sa kanila. Hindi naman sila nakakibo at nagsiyukuan na lang ang iba.

"FYI! Kung sabihin ko kaya na, hindi lang ikaw ang nawalan! Buti nga sayo kaibigan mo lang, napapalitan yan. Pero ang pinsan? Napapalitan ba?!" Sigaw sa akin ni Clarissa na ngayon ay umiiyak na rin.

"Hindi mo naman kasi maintindihan eh? Higit pa sa kaibigan ang turin ko sa kanila. Mahigit two years na rin kaming magkakakilala. Kaya, parang mga kapatid na ang turin namin sa isa't-isa! Kung hindi mo pa kami lubusang kilala, please! tumahimik ka na lang!" Tugon kong pasigaw sa kaniya at malakas na kinalampag ang lamesa bago lubusang lumabas.

Pagkalabas ko, nakasalubong ko pa sina Xiara at Jade.

"Chelsea. Bumalik ka dun sa loob at may mahalaga kaming sasabihin." Sabi sa akin ni Xiara.

"Para saan pa? Para makipagplastikan sa mamamatay tao?" Sigaw ko sa kaniya at saka inirapan.

"Ano ba?! Huwag ka ngang maging Childish sa pagkakataong toh! Isosolve natin to ng sama-sama. Gusto mo rin dibang masolve ito diba? Pero hindi ka naman makikipagtulungan. Lahat naman tayo takot eh? Buhay mo, buhay ko. Buhay at kaligtasan ng lahat ang nakataya dito, hindi lang yung sayo." Explain sa akin ni Jade. Alam niyo yung feeling na, gusto mo na siyang sigawan o sumbatan pero ayaw makipag-cooperate ng katawan ko.

Sa huli, napasunod din nila ako na bumalik sa loob para makipag-usap at para malaman ang sasabihin nila.

Napag-usap-usapan namin dito sa loob ang tungkol sa kung paano maiiwasan ang mangyayaring patayan. Mga g*go talaga ang tao dito, mangyayaring patayan ba naman ang pag-uusapan. Eh ginawa na yan dati, gumana ba?

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon