Chapter 42: Crime 6 - Bibe Wire

290 16 2
                                    

(P.O.V. George)

Tumungo na kami sa pintong bumukas na may karatulang ➡ENTRANCE sa ibabaw ng pinto, matapos naming pumili kina Chelsea at Troy.

Oo, masakit ang mawalan. Masakit ang pumili. Pero, yun ang dapat. Siguro, tanggapin na lang namin ang mga nangyayari.

Hindi na ito normal para sa amin. Kung tutuusin nga, para kaming mga batang naglalaro. Ngunit, kabaliktaran naman ito... Naglalaro kami para sa aming buhay, hindi para sa aming kaligayahan.

Nanginginig ang mga tuhod kong binagtas ang susunod na baitang. Hindi ko kasi alam kung sino ang susunod na mapipili? Kung sino ang susunod na mawawala sa amin? At kung paanong laro naman ang gagawin niya? UGH!!

Habang papalapit na kami sa pinto, patindi naman ng patindi ang kabang nararamdaman ko. Nahihirapan na rin akong huminga at dumidilim na ang aking paningin.

Nang tuluyan na kaming nakapasok, kusa namang sumara ang pinto. Dahilan ito para mas lalong tumaas ang takot at kabang nararamdaman ko. Napasigaw naman si Candy at napahawak sa braso ko.

Bumungad sa amin ang tahimik na kwarto, madilim, at walang kahit na anong gamit.

Kinapa ko ang switch sa gilid at nabuhayan ako ng loob ng mapagtantong mayroong switch. Agad ko namang itinaas iyon dahilan para bumukas ang ilaw dito sa kwarto.

Nagulantang kami ni Candy sa nakita namin. Dahil limang tao ang nakakulong ngayon sa isang malaking glass screen. May sari-sariling spot lights ang nakatutok sa kanila.

Lahat sila ay walang malay na nakaharap sa amin habang nakatayo ngunit nakayuko. Nakatali ang mga kamay at paa, nakabusal ang mga bibig, at ang mas malala ay nakatali ang kanilang mga leeg gamit ang bibe wire.

Nalaglag ang panga kong pinagmasdan silang lima. Mayroon ng tumutulong dugo sa kani-kanilang leeg. Sh*t!

Naroon sina Clark na nasa kaliwang dulo, Diana na katabi niya, Julius na nasa kanang dulo, Jayvee na katabi ni Julius at si lola Grace na pinag-gitnaan nilang apat.

Parang sa mga oras na ito ay gusto ko ng mamatay. Tila guguho na ang aking mundo ng makita silang lahat doon. Ayokong makita silang naghihirap ng dahil lang sa akin.

Nararamdaman ko na ang init sa gilid ng mga mata ko. Makita ko palang si lola ay parang ayoko ng mabuhay. Bakit siya pa?

Biglang may nagsalita na mas lalong nagpadagdag ng takot at kaba ko.

"For our next game, it's called Q&A game. May tanong ako. Simple lang naman, kailangan ko lang ng sagot." Pagsisimula niya.

"Just f*cking spill it!!" Malakas na sigaw ni Candy. Napansin ko rin ang pagtikom ng kaniyang kamao.

"Calm down, Candy." Mahinahon kong tugon ngunit hindi naman niya ako nagawang tingnan dahil sa speaker lang siya nakatitig.

Unti-unti naman ng nagkakamalay ang mga nasa loob ng glass. Nagulat pa sila at kumalas pero napahinto sila ng makaramdam ng sakit sa kani-kanilang leeg. Natanggal na rin ang mga busal sa kanilang bibig at lahat sila ngayon ay nagsusumamo na. F*ck!

"I'll give you three minutes to answer my question. Kapag hindi niyo nasagot, say goodbye for our representatives." Pagpapatuloy niya.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon