(3rd Person P.O.V.)
Kasalukuyan na ngayong naghihintay sa park sina Chelsea, Mj, Mia, Johanna, Lee, Jayvee at Nelson. Naiinip na rin sila dahil sa tagal ng paghihintay nila sa iba.
"Nelson! Tawagan mo na nga sila?!" Naiinis na sabi ni Mia.
"Kaya nga! Hindi ka ba nakakahalata? Kanina pa kaya tayo dito!" Reklamo naman ni Johanna.
"Ito na nga ehh? Wait lang po!" Tugon naman nito.
"Dapat kanina mo pa ginawa yan!" Mataray na sambit ni Mia.
"Oo na! Shhhhhh!" Naiinis na sambit ni Nelaon.
"S-sagutin mo naman Andrew!" Bulong ni Nelson ngunit ito'y naiinis na.
*krriinnggg!
*krriinnggg!
*krriinngggg!
The subscriber is cannot be reach, please try again later!
"Ay, bwiset!" Inis na sambit niya habang nakahawak sa ulo na pawang nagkakamot.
"Ano na?" Tanong sa kaniya ni Jayvee.
"Wala pa rin ehh? Ayaw naman nilang sagutin?" Tugon naman ni Nelson.
"Kung mauna na kaya tayo? Pasunurin mo na lang sila?!" Sagot pa ni Lee.
"Hindi pwede yun! Kailan sama-sama tayo!" Biglang sagot naman ni Jayvee.
"Ay, ganun ba? Okay!" Tanging sagot ni Lee.
"Kung ano na lang ka-----" Naputol ang sasabihin ni Mj nang bigla namang sumigaw si Chelsea.
"Natatanaw ko na sina Margaret, ayun ohh?" Biglang sigaw ni Chelsea habang tinuturo sina Margaret, John, Clark, at George na sabay na paparating.
"Hay naku! Filipino time nga naman?" Sambit ni Nelson sabay buntong-hininga.
Habang papalapit ng papalapit sina Margaret, unti-unti namang kumukunot ang noo ni Mia at masama na nakatingin sa apat.
"Kailangan bang maghintayan din kayo bago pumunta dito!?" Sigaw sa kanila ni Mia nang makarating na ito sa kinalulugdan nila.
"S-sorna agad!" Tanging sambit ni Margaret habang nakangiti ng nakakaloko.
"Yan naman lagi ehh? Ang alam ko... ang sorry ay isang beses lang, kapag nagsorry ang isang tao, kaya na niyang baguhin ang mga pagkakamali niya!" Wika pa ni Mia.
"Humuhugot ka na naman!" Tugon ni Margaret. Nagtawanan naman sila na ikinainis ni Mia.
"Huwag nga, di bagay!" Dugtong pa ni Clark.
"At huwag mo na ring uulitin ahh? Last mo na yan!" Muli pang wika ni Margaret at nagtawanang muli.
"Non-sense." Bulong pa ni John ngunit walang nakarinig sa kaniya.
"Guys! Nakita nyo na ba sil---" Naputol ang sasabihin ni Lee nang matanaw na niya isa-isa na nagdadatingan na ang mga kasamahan nila.
Nang nakumpleto na sila, agad silang bumuo ng bilog para malaman ang mga gagawing hakbang para mailigtas ang dalawa. Nagsimula na ring mag-ayos ang lahat.
Naagaw ang atensiyon nila ng bigla na lamang tumunog ang phone ni George. Lahat naman sila ay napatingin kay George na ipinagtataka niya. Wala siyang nagawa kundi kunin na lamang ang phone at binasa niya ang txt.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...