Chapter 15: Risk

287 23 7
                                    

(P.O.V.  Jake )

Naglalakad kami ngayon pauwi nila Josh at Andrew. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin talaga ako sa kanila dahil sinusura pa rin ni Josh si Andrew. Halos sumasakit na nga ang tiyan at panga ko sa kakatawa eh.

"Salamat naman at mawawala ka na!" Inis na sabi ni Andrew kay Josh dahil malapit na kami sa bahay niya.

"Sayang nga ehh, tapat pala tinagalan natin ang paglalakad?" Panura pa niyang sagot kay Andrew.

"Tssk! Umalis na nga kayo! Bwishit!" Naiinis niyang tugon at tuluyan ng pumasok sa loob nung nasa tapat na kami ng bahay niya.

"Ay! Pagkatapos ng lahat, ganun-ganon na lang yun!" Sigaw pa ni Josh.

"WHATEVER!" Sagot pa ni Andrew. Minabuti ko ng maunang maglakad at hinayaang iwanan si Josh.

"Hoy! Hintayin mo naman ako!" Sigaw niya dahil malayo na ang agwat namin sa isa't-isa.

"Bilisan mo naman kasi! Ang bagal mong maglakad, kalalaki mong tao!" Sagot ko naman sa kaniya.

"Mukhang nagmamadali ka ata ehh? Wait lang!" Sigaw pa niya habang tumatakbo.

"Hay! Pinagod mo ko! Pwede bang magpahinga muna tayo?" Sambit pa niya habang habol-habol ang kaniyang hininga nang maabutan na niya ako.

"Pahinga? Paano tayo makakauwi niyan? Hahanapin na ako sa amin! Kaya bilisan mo dyan!" Sigaw ko sa kaniya nang nakaupo siya.

"A-ano ba y-yan! T-tara na nga!" Sagot niya habang hinihingal.

Ngayon nga ay naglalakad na kami kahit na hanggang ngayon ay hinihingal pa rin itong si Josh, habang ako ay pinipigilang tumawa. Habang nasa daan, kami ay nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari kanina kay Xiara. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na babalik siya. Ang inaakala ko nga ay tumigil na siya, yun pala ay hindi pa. Nakakainis lang, kasi yung akala mong wala na kasi hindi na siya nagpaparamdam sa inyo pero babalik pala ng hindi mo inaasahan.

"Sige na, pasok na ko sa loob. Ingat ka huh? Bukas na lang!" Sabi ni Josh. Nandito na pala kami sa bahay ni Josh, hindi ko man lang napansin. Medyo malapit naman na ang bahay namin dito, halos dyan lang sa may susunod na kanto.

"Ahh, s-sige!" Tugon ko naman.

"Mag-ingat ka huh? Baka ikaw na ang isunod!" Sigaw niya habang tumatawa.

Bigla namang sumeryoso ang aking mukha dahil sa kaniyang sinabi. Oo nga pala, yun na ang aking ikinakabahala. Sa ngayon, kailangan ko nang magmadali, para di ako ang susunod na mawala. Agad naman akong nagtatakbo, kahit na mayroong dumadaang mga sasakyan. Hindi ko na lamang iyon pinapansin, dahil ang mahalaga ngayon ay hindi ako makuha.

Habang patuloy na tumatakbo dahil ilang metro na lang ang layo ng bahay namin mayroong biglang tumusok na maliit, manipis at matulis na bagay sa aking likuran. Halos baon ito, dahil sa lakas ng pagkakabato nito mula sa akin. Tinignan ko iyon at ang nakatusok mula sa aking likuran ay isang syringe na may lamang puting likido. Bigla na lamang akong nanghina, paunti-unti hanggang sa mayroong nasagap ang peripheral vision ko na sasakyan na huminto at iniluwa nito ang dalawang lalaki. At tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

(P.O.V. Roman )

Nagkayayaan ang mga katrabaho ko na uminom daw kami ngayon dahil day off naman namin bukas. Hindi naman ako nakatanggi dahil last day naman na ngayon at pahinga na bukas.

Habang lumilipas ang mga oras, lumalalim na rin ang dilim at kami'y unti-unti na ring nalalasing. Minabuti kong umuwi na dahil lagot na ako kay Annalyn.

The Crime: Get Ready?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon