Hello, Crimers!! Sorry for a long days/week that you waiting for this UD. Dapat nung sunday pa ito ng gabi na post, actually. Pero ayaw niyang ma-publish, kaya ngayon lang. But Im pretty sure that you like this chapter.
Happy 7K+ reads nga pala sa atin, continuously. Enjoy reading this chapter. ^_^
Start!
*****
(POV Xiara)
And Finally!! Nagkaroon na rin ako ng POV for a freakin long-long chapter that past! Kung kailan malapit ng mag-epilogue ito saka lang naisipan na magkaPOV ako. Napa-harsh naman ni author sakin. Haist!
(aboy's note: Marami kasing galit sayo lalo na sa personality mo, kaya hindi kita ginagawan ng POV.)
As if I care? Wala akong pakialam kahit na magalit sila sa akin. Bakit? Kawalan ba sila? Dah?!
(aboy's note: Pasalamat ka na nga lang dahil hindi pa kita pinapatay sa master mind eh. Ano? Gusto mo na bang maisunod? Sige, ipapautos ko na sa master mind sa lalong madaling panahon or ngayon na mismo kung pwede!)
N-no! Sabi ko nga eh. Joke lang yun. Nagbibiro lang ako! Author, sorry na. Please.
(aboy's note: Oo na! Hindi na! Magkwento ka na, kung ayaw mong magbago pa isip ko.)
Ayiiee! Ito na po. Salamat, author. Oh siya. Sisimulan ko na. *sigh
~ ~ ~
Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng bagay may katapusan. Tumagal man sa iyo ang bagay na iyon, hindi mo pa rin maiiwasang isipin na matatapos din ang lahat. Kahit na gaano ka pa pinapasaya ng bagay na iyon... Mawawala't mawawala rin sayo iyon.
Yung saya na mararamdaman mo ay mapapalitan ng lungkot. Parang katulad yan sa nangyayari sa buhay amin. Sa buhay naming section 2. Na itong paghihirap at pagdurusa namin ay may hangganan rin. Matagal man pero alam kong mararanasan din namin. Naisip kong, siguro nga matatapos lang ito kapag lahat kami ay namatay na, saka lamang matatahimik at matitigil ang kahayupang ito ng master mind.
Oo, aaminin ko. Gustong-gusto kong makakita ng killing scene. Pero, sa likod naman nun ay takot at kilabot. Kumbaga... naghahanap lang ako ng Thrill sa buhay ko at iyon nga ang makita ang mga kaklase ko sa ganoong sitwasyon. Alam kong karamihan sa akin ay galit pero masisisi niyo ba ako? Yun ang gusto ko at iyon ang nakakapagpasaya sa akin.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkaganito. Nahilig akong manuod ng mga gore movies, mangulekta ng mga pictures, magazines, books, at iba't-iba pa na may nakakatakot o may pagpatay na senaryo.
Nandito kami ngayon sa dining room ng mansion at ang lahat ay nakalugmok na lamang sa sahig dahil sa nangyari kanina. Para kaming naghihintay na lang ng oras ng kamatayan naming lahat.
Napakatahimik at tanging paghikbi lang ang maririnig. Walang may balak na magsalita sa aming buong section at sa pamilya ni George. Wala na rin kasi kaming ibang magagawa pa kundi ang maglaro na ng f*cking game na hindi ko kailanman pinangarap na laruin.
Sa dinami-rami ba naman ng laro sa mundo... Bakit patayan pa ang naisip ng master mind na yun. Hindi ko na nga lang alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil itong klaseng laro na ito ang gusto ko?
Pero, may mga tanong ang nabubuo sa aking isipan habang tumatagal kami sa sitwasyon na ito... Tulad na lamang ng: Bakit ba ito nangyayari sa amin? Ano bang makukuha o mapapala niya, matapos niyang paglaruan kami? Patayin kami? Sasaya ba siya sa ginagawa niya?
Kung sino man ang sh*t na taong nasa likod ng manika o master mind na yun ay dapat na niyang tigilan ang kalokohan niya-- ay, mali pala. Let me rephrase it... Kagaguhan niya.
BINABASA MO ANG
The Crime: Get Ready?
Horror†WORK OF FICTION† This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is...